Kabanata 5: Pag-haharana

4 1 0
                                    

Minsan hindi sayang ang paghihintay,
lalo na kung nakakahalaga ang taong hinihintay mo...

Ang naramadaman ko para sa kanya ay nagpatuloy na lumaki. Sa silid-aklatan, sa parke, o sa hardin man, magiging totoo ang nararamdaman ko para sa kanya... At sa wakas, isang araw, parang narinig na nga ng panginoon ang aking mga pangalanin, nung sinagot ako ni Hiraya, (ang babaeng ibinabanggit ko), na makipag-pasyal sa parke na bagong itinayo. Lubhang saya ko nuong narinig ko ang kanyang matamis na oo... Kaya ako'y naghanda, sa damit ko at pabango, para sa pasyal naming dalawa na magaganap sa susunod na Linggo

Ilang araw ang lumipas at dumating na ang araw na ipinaghihintay ko. Hinanda ko ang lahat na dapat ipaghandaan, at ipinagpatuloy na ang paglakbay ko patungo sa parke... Malayo ang lakad ko, mula sa bahay hanggang sa parke, ngunit kinaya ko ang pagod ng aking mga paa, para lang makita ko siya. At sa wakas, sa ilang minuto sa paglalakad ko ay nakita ko na siya... Nakaupo sa isang bangko, ang damit mukhang bago... Kay ganda ng kanyang sinuot at saka na rin ang kanyang sapatos... Naiwan akong nabigla habang papalapit siya sa akin, at nagsabi;
"Akala ko nagbibiro ka lang, pero buti nga dumating ka"

Ikinala pala niya nagbibiro lang ako nung inimbitahan ko siya... Pasalamat na nga ako na andito siya eh, bakit ba naman ako magbibiro tungkol sa bagay na ganito? Napakaswerte ko na nga, ang pakaswerte ko naman...
Naglakad kami mula sa isang lugar patungo sa iba... Sinigurado kong nasiyahan siya sa aming munting paglalakad, sinigurado ko na siya'y maging koportable sa aking presensya, at sinigurado ko na siya'y nakatingin sa akin lamang... Walang salita ang makapagsasabi kung gaano ako kasaya na nagkaroon ako ng pagkakataong masilip ang sandaling ito, sa pagkakataong namasyal na kami lang dalawa... Banggit ko lang, sapagkat, hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang mga magkahalong signal...

Masyado siyang mabait sa akin, gusto niya rin ba ako? O nagdedelusyon na naman ako? Gayunpaman, hindi ko maalis sa isip ko na baka gusto niya rin ako... Kaya nag tanong ako para ma sigurado... "Hiraya, may tao kabang nagugustuhan?" huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin, ngiti niya kitang kita... "Baka meron, baka wala" sabi niya habang kumindat sa akin...

At iyon, nag desisyon ako, na ako'y mang-haharana... Ang problema lang ay, hindi ako marunong mag-gitara... Sapagkat mahal ko siya, pinaghirapan kong pag-aralan na tugtugin ang gitara. Ang mga araw ay naging linggo, at ang mga linggo ay naging mga buwan at sa wakas ay natutunan ko kung paano tumugtog ng instrumentong ito. Tinawagan ko ang dalawa kong matalik na kaibigan, para tulungan ako sa panghaharana.

Dumating na ang gabi para ako'y mang-harana. Isa sa mga kaibigan ko ay ginawa yung timba bilang isang tambol, at ang isa naman ay hawak niya ang bulaklak na ibibigay ko mamaya. Huminga ako ng malalim at sinimulan ang pagtugtog. Pinahusay ko ang pagtugtog ng aking gitara at sinimulan ko na din ang pagkanta...
Kinakabahan ako noong simula na ako, ngunit iyon ay nawala nung nagpakita na siya. Binuksan niya ang kanyang bintana mula sa pangalawang palapag at siya'y masayang nakinig sa pagtugtog ko. Sinigurado ko na hindi ako magkakamali sa pagtugtog ko.
Tumingin siya sa aking mga mata, at ako'y namangha... Habang ako'y kumakanta at tumutugtog, tumayo ako sa isang bangkito na dinala ng aking kaibigan. Pagkatapos, ibinigay ko ang bulaklak na dala ko para sa kanya. Tinanggap niya ito at ako'y naging masaya...Gayunpaman, hindi nagtagal ang kasiyahan ko, sapagkat hindi ako tanggap ng ina niya. Sa kasabihang siya'y dapat mag-aral muna, sabi ng ina niya. Lumingon si Hiraya sa'kin na may malungkot na ekspresyon sa mukha niya habang sinasara ng kanyang ina ang bintana.

"Maghihintay ako."

Sabi ko mula sa labas ng bahay nila. Oh binibini, maghihintay lang ako. Yun ang karanasan kong ... Haranang Mapait...

Haranang MapaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon