- Unang Bahagi -"Sa kaleidoscope ng buhay, ang pag-ibig sa unang tingin ay ang sandali kung kailan kinikilala ng dalawang kaluluwa ang kulay ng isa't isa, at sa sandaling iyon, magsisimula ang isang walang hanggang symponya."
Tinadhana tayo para sa isa’t isa… Yinakap ko sya sa gitna ng ulan at nagsabi… “Mahal kong Hiraya tumingin ka sa 'king mga mata, at hindi mo na kailangan magtanong pa nang paulit-ulit dahil ikaw lamang ang aking iniibig ko sinta. At kung 'di ka kumbinsido'y magtiwala ka sa akin, hawakan mo ang puso ko’t maniwala ka na ikaw lang tanging iniibig, ikaw at ikaw lang ang aking iibigin… At sa paglisan ng gabi, akala'y 'di ka mahal, at ang nadarama'y hindi magtatagal, malay ko bang hindi magpapagal, iibigin kita kahit gaano pa ito katagal. Iibigin kita kahit ang mundo na mismo’y magsasabi na bawal. Walang magsisira sa pag-iibig ko sa’yo, mahalin kita kahit ito pa ay illegal… Mahiwaga ang ilaw ng buwan, pipiliin kita sa gabi-gabi’t araw-araw. Mahiwaga na ang aking pananaw, ang nadarama ko sa yo'y malinaw… Higit pa sa ligayang hatid sa damdamin ay lahat naunawaan, sa lalim ng tingin… Ikaw lamang ang mahal ko Hiraya, iibigin kita hanggat ang malupit na mundong ito ay mawawala… Marami na akong nais sabihin sa una pa lamang;
Na kay ganda ng iyong mga ngiti, parang araw at buwan na nagbibigay liwanag. Kay ganda ng iyong mga labi, parang hardin at patlang na puno ng magagandang bulaklak. Kay ganda ng iyong mga tingin, natatamaan na ako, isang titig palang…”“Mahal kita Hiraya, hindi ko gusto ito sa ibang paraan pa”
Napaiyak na lamang si Hiraya sa aking mga kamay, habang patuloy na bumubohos ang ulan… Kay lamig naman ng gabi, at kay ganda naman ng buwan… Ipinapangako ko na nga sa iyo Hiraya, hihintayin, at hihintayin kita.
- Pangalawang Bahagi -At sa muli pa, ang araw ay naging linggo, ang linggo ay naging buwan at ang buwan ay naging ilang taon. Sa wakas, nagtapos kaming dalawa bilang Valedictorian. Nakapagtapos na din ako sa wakas, ngunit parang may kulang. Ang daming kulang nga eh…
Habang ako’y nakipag-usa sa aking mga kaibigan, naramdaman ko ang mahinang paghila mula sa suot ko. Lumingon ako para tingnan kung sino iyun. Nagulat ako nang paglingon ko’y siya pala yon.
“Alan, pwede ba kitang ipakilala ulit kay mama?” Tanong ni Hiraya.Nabigla ako sa kanyang tanong ngunit naisip ko na ito na ang pagkakataon upang matanggap na ako ng ina niya. Sumang-ayon ako kay Hiraya at sinundan ko siya patungo sa ina niya…
Noong sa wakas nagkita na ulit kami ng ina niya, ako’y kinabahan. Lumapit ang ina niya sa akin at nagtanong;
“Ikaw ba yung nangharana sa anak ko iho noong dalawang taong nakalipas?” Tanong ng ina… “Opo ina” Sagot ko… Kinakabahan ako nung oras na iyon. “Mahal mo nga ba ang anak ko iho?” Nagtanung siya ulit. “Opo… Ipinangako ko na alagaan ko po ang anak mong si Hiraya ng maayos” … “Mabuti naman, tingnan natin… Apat na taon ka mismo naghintay para kang Hiraya, aba ang paka yabang mo naman… To think na may magmamahal sa anak ko ng maayos gaya ng napanaw niyang ama…” pumunta ang ina niya at umupo sa bangketo at nagbanggit;
“Hali ka dito iho, bago ko ibigay sayo ang approval ko, dapat mo muna malaman ang nakaraan ni Hiraya” umupo ako at nakinig… "Ang asawa ko't ama ng anak ko ay pumanaw nuong walong-taong gulang palamang si Hiraya dahil sa sakit na walang lunas… Alang-alang sa kanyang ama ay isinakripisyo ni Hiraya ang kanyang pagkabata upang matupad ang hiling ng ama niya. Ang hiling niya na makatapos ng pag-aaral si Hiraya bilang top 1 sa buong highschool.Si Hiraya ay tutok na tutok sa kanyang pag-aaral kaya't nakalimutan na niya kung ano ang pinakamainam na pamumuhay... Palagi siyang seryoso, walang ngiti sa kanyang mukha...
Hanggang sa inilipat ko siya sa paaralang ito. Pag-uwi niya noong araw na iyon, napansin ko ang isang pagbabago na maaaring makatulong sa kanyang kalusugang pangkaisipan, isang pagbabago na maaaring makatulong sa kanyang buhay, isang pagbabago, hindi, isang karanasan, isang pakiramdam, na tinatawag na pag-ibig... Isang tingin ko lamang, ay nalaman ko na may lalaking nagustohan siya… At simula noong araw na iyon, naging mas masigla siya sa kung ano ang nasa paligid niya. Nakaranas siya ng mga bagong emosyon na hindi niya pamilyar, masasabi ko na nabuhay ulit ang patay. O kaya, binigyan mong liwanag at gabay ang anak ko sa apat na taong nakalipas iho… Binigyan mo siya ng pag-asa na mabuhay ulit… Ikaw ang rason bakit na balik ang ngiti niyang matagal nang nawala… Salamat anak, na ipinakita mo sa kanya kung ano ang pakiramdam ng tunay na pag-ibig. Salamat anak, na pinag-harana mo ang anak kong walang kay malay ano ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal… Sapagkat bulag lang ako sa nakaraan kaya sana patawarin mo ako…
Buong puso ko na to sasabihin sa iyo iho, mahalin at alagaan mo ng mabuti ang anak kong si Hiraya. Mahalin at ipagpahalaga mo siya higit pa sa anuman… Sapagkat iyo na ang anak ko…
BINABASA MO ANG
Haranang Mapait
RomanceA Filipino (original) story in which it unravels the character's personal experience of "love". To their own understanding.