Kabanata 2: Pag-aamin

18 6 0
                                    

Kung kailan man tama ang oras, mali ang tao...
Kung kailan man tama ang tao, mali ang oras...

      Ilang araw ang nakalipas at silang dalawa ay naging matalik na magkaibigan. Sa tuwing uuwi na si Katherine ay samahan siya ni Alex sa paglalakad pa-uwi. Siya ay naging pinakamatapat na kaibigan sa pagdating ni Katherine... Subalit, nasiyahan na nga ba si Alex na sila ay "magkaibigan" lamang?

      Sina Alex at Katherine ay nagkita ulit sa silid-aklatan, ang lugar kung saan pinakapaborito nila. Nagkita sila duon dahil sa pabor ni Katherine na sila'y mag-aaral ng magkasama para sa pagsusulit na mayroon sila sa susunod na Linggo... "Salamat sa pagtanggap sa biglaang imbitasyon ko Alex. Alam ko na may iba ka pang gawain pero salamat nga na dumating ka pa rin" banggit ni Katherine "Walang anuman Katherine, alam mo naman diba na andito lang ako kapag kailangan mo ako?" sagot ni Alex... "Kaya nga nagpapasalamat ako sayo Alex, ikaw na nga ang pinaka-maasahan na kaibigan ko" sabi ni Katherine habang nakalagay ang kamay niya kay Alex. Nuong napagtanto na ni Katherine kung ano ang ginawa niya ay agad niya itong hinila palayo ng marahan...
      Ang mukha ni Alex ay namula-pula nung naramdaman niya ang   malambot na kamay ni Katherine sa kanya. Tumingin siya sa ibang direksyon at nagtanong "A- Ano nga ba ang dahilan kung bakit a- ako nandito? Nakalimutan ko eh, hahaha" banggit ni Alex, ang tono niya ay halatang kinakabahan... Nuong nauutal si Alex ay hindi niya inasahan na biglang lumapit si Katherine   kanya... Ang labi ng dalaga ay kaylapit na sa kanya... Hinawi niya ang isang hibla ng buhok niya at nagbulong sa kanyang tenga; "Wag masyadong maingay Alex, nasa silid-aklatan tayo" Naramdaman ni Alex ang mahinang hininga ni Katherine sa kanyang tenga, walang ibang magawa si Alex kundi di' gumalaw... Nung tumayo na ulit si Katherine ay pinakalma ni Alex ang kanyang sarili... Hindi niya inaasahan ang biglaang paghawak ni Katherine sa kanya, at dahil dito halos hindi na siya makahinga mula sa sandaling ito.

      "Magsimula na nga tayo sa pag-aaral Kath" sabi ni Alex, habang pilit na binabalewala ang sitwasyon na nangyari kanina... "Ah sige, tara na nga, magsimula na tayo Alex" sagot ni Katherine... Nuong sila'y nag-aaral, at nagtuturo sa isa't isa, hindi maiwasang mapansin ni Alex ang mga nagnanakaw nitong sulyap ni Katherine sa kanya... Pagkaraan ng ilang sandali, nagtanong na si Alex sa wakas... "May mali ba sa akin Kath?" tanong niya kay Katherine... Bagama't nanatiling tahimik si Katherine at nagpatuloy na tingnan siya sa kanyang mga mata... Nagkatinginan sila sa isa't isa bago tuluyang nagsalita na si Katherine... "Pasensiya na, nawala lang ako sa pag-iisip"
"Ah, wag mo na yun banggitin, ganyan din ako minsan sayo eh."  "Huh"?  "Wala yun, biro lang yun Kath" daling pinagsabi ni Alex upang hindi mapahalata...

      Isang Linggo ang lumipas, natapos na sila sa kanilang pagsusulit... Nag desisyon sila na pumunta silang dalawa sa parke upang mamasyal... Duon, nagsiyahan silang dalawa buong maghapon at duon nakapag desisyon si Alex na oras na para ipagtapat ang kanyang nararamdaman para kang Katherine... Handa siyang makipagsapalaran sa posibilidad na mawala ang kanilang pagkakaibigan... Iniisip niya sa kanyang sarili;
"Mas mabuti na maaga ako umamin sa kanya, kesa naman sa huli na na may gusto na siyang iba"
      Silang dalawa'y naglalakad patungo sa malaki at matandang puno ng oak, nang biglang huminto si Alex, at humarap sa kay Katherine...
"May problema ba?" tanong ni Katherine sa mahinaon na boses"
"Wala, nais ko lang sabihin na... Katherine, gusto kita... Matagal na... Kaya tanong ko lang sayo... Maaari ba kitang ligawan?"
Mga salitang hindi inasahan na sasabihin ni Alex, ay sa wakas na banggit na niya...Ngunit, napaluha na lamang si Katherine habang itinaas niya ang kanyang kaliwang palad na nagpapakita ng kanyang mga daliri.

                       "Patawad" -Katherine

Haranang MapaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon