Kabanata 3: Pag-ibig

12 3 0
                                    

Ang pag-ibig ay isang nakakalito na bagay para sa isa, kaya kailangan ito ng dalawang tao upang ito'y maintindihan...

      Noong siya'y umuwi sa kanila, ay nagtaka ang kanyang ama kung bakit siya'y malungkot. "Oh? Bakit ka malungkot iho? Bumagsak ka ba sa iyong pagsusulit?" Tanong ng kanyang ama. "Ah... Hindi po iyon ang nangyari itay. Sadyang, nabigo lang ako sa pag-ibig..." sagot ni Alex. "Tinanggihan ka ba ng babaeng nagustuhan mo anak?" Tanong ulit ng kanyang ama. "Opo itay. umamin ako kanina, tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko nga may pagkakataon ako... Yun pala wala hahaha" banggit ni Alex.

Ang ama niya'y nag-alala sa sitwasyon ng kanyang anak. Naka-
kalungkot nga na hindi natanggap ang pagmamahal niya sapagkat ito'y lubhang taos-puso... Oh kay dami ng nais sabihin ng ama niya sa kanya upang mas lalo maintidihan ni Alex ang totoong pagmamahal. Hindi nga naman madali hanapin ang pag-ibig, Hindi mo kailangang maghanap ng pag-ibig kung dito ka nanggaling... Pag-asa para sa pag-ibig, manalangin para sa pag-ibig, hilingin para sa pag-ibig, pangarap para sa pag-ibig ... ngunit huwag ilagay ang iyong buhay sa paghihintay para sa pag-ibig.

At sa pag-iisip isip ng kanyang Ama ay naalala niya ang kanyang karanasan noong binata pa siya. Naalala niya kung anong ginawa niya noong nagkagusto din siya sa isang babae. Ngumiti ang Ama nung naalala niya yung nakaraan isa-isa... Magkahalong emosyon nga ang kanyang karanasan sa pag-ibig kaya siya'y nag-alinlangan kung ibahagi ba niya ito sa kanyang anak, o hindi. Pagkaraan ng ilang sandali, ay nagdesisyon siya na ibahagi nalang ito sa anak niya. Tinapik ng ama ang upuan sa tabi niya sinisenyas na siya'y uupo dito...

"Anak huwag kanang malungkot, halika dito iho. Iku-kuwento ko sa iyo kung ano ang karanasan ko sa pag-ibig" Sabi ng ama niya. Si Alex, ay naging interesado sa sinabi ng kanyang ama, siya'y mahilig sa mga kuwento-kuwentohan kaya siya'y lumapit at umupo sa tabi niya. "Ano nga ba ang nalalaman mo tungkol sa salitang "pag-ibig" itay? Ano ang mga karanasan mo? Naging masaya ka ba sa katotohanan na naharap mo?" mga tanong na nasa isip ni Alex, na hindi niya kayang mababanggit...
"Ano nga po ba ang ginawa n'yo noong nagkagusto kayo sa isang babae itay? Madali lang ba?" tanong ni Alex. Medyo natawa ang kanyang ama sa huli niyang tanong. "Naku iho, hindi ito sadyang bilis kagaya sa henerasyon ngayon. Sa katunayan, hindi kami nagmahal ng isang tao noon para lang sa saya... Na-obserbahan ko ngayon na napaka-immature na nang ilan sa mga teenager pagdating sa pag-ibig." Sagot ng ama niya.
Karamihan nga ng mga tao ay hindi na nila pinahahalagahan ang tunay na pag-ibig. Sila'y naging bulag sa katotohanan, kay-bulag kagaya ng uod na nagpapaligid sa sarili ng dumi... Ano na ang nangyari sa henerasyon na ito? Nakikita ba nila ang pag-ibig bilang isang laruan lamang? Kailan kaya magbubukas ang kanilang mga bulag na mga mata... Gising na, gising na, ang pag-ibig ay isang nakakalito na bagay, at hinding-hindi ito magbabago... Ngunit may ngunit...

"Ama?" tanong ni Alex... "Iho?" sagot ng Ama... "Alam ko po ang iyong ibig sabihin po. Nakikita ko sa ilan sa mga kaklase ko na ang relasyon nila sa kanilang mga kasintahan ay tumatagal lang ng isang Linggo. Inaakala ko na biro lang ang tingin nila sa pag-ibig..." bana ni Alex, "Kaya wag mo silang gayahin anak, kung mahal mo na nga ang isang tao ay dapat ipagpahalaga mo ito sa pamamagitan ng iyong puso at kaluluwa..." banggit ng kanyang Ama... "Pinalaki kita na isang mabait at mapagmalasakit na bata... Kaya tratuhin mo kung sinuman ang gusto, o magkagusto mo ng tama" ... "Opo itay" sagot ni Alex...

"Sige na nga, ikukuwento ko na sa iyo ang aking karanasan ng pagmamahal noong binata pa ako" banggit ng ama.

"Ikukuwento ko sa iyo kung ano ang pakiramdam ng tunay na pag-ibig..."

Haranang MapaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon