Chapter 2

96 3 0
                                    


Samantha

Mula rito sa parking ay tinakbo ko na ang hallway papuntang classroom namin. Late na ako sa second subject namin dahil natagalan ako ng gising.

Hindi na nga rin ako nakapasok sa first subject at panigurado patay ako ni Ate Monique.

Pagdating sa room ay agad na akong pumunta sa usual seat ko.

"You!"

Kinalabit ako ni Kentoy na as usual ay magkatabi na naman kami. Nakakasawa na, charot.

"Tawag ka ni, ma'am." Sabi niya kaya nag-angat na ako ng tingin. Inayos ko pa kasi 'yong bag ko. Pagtingin ko it's not Kentoy kundi si Bryan na malaki ang pagkakangiti ngayon sa akin. Huh? Namali ba ako ng upo? Imposible rito ako lagi naka-upo.

"Ehem." Two pairs of black sandals ang unang bumungad sa akin hanggang napunta ro'n ang tingin ko sa kulay berde niyang koko sa paa. Ganda!

"It's beautiful isn't it?" Tanong nito kaya tumango ako. Maganda naman kasi talaga ito. Lalo na iyong pagka-pedicure sa paa niya. Perfect. Makapagawa nga sa kanya.

Isang nakakagulat na pangyayari ng may lumanding sa ulo ko ng eraser. Magic! Hindi biro ang pagbato sa akin at sumasakit na ang ulo ko. Pambihira.

Maiinis na sana ako at pagagalitan ang may gawa no'n but I saw Ate Scarlett sa harapan habang nakataas ang isang kilay sa akin. Anong ginagawa niya rito?

"Is that how you greet good morning to your professor?"

Nandito ako ngayon sa guidance dahil pina- guidance lang naman ako ni Miss Zabala. Disrespectful raw kasi ako kaya ayon sa guidance ngayon ang bagsak ko. Grabe, mas nakakatakot pa si Ate Scarlett kisa kay, Mrs. Lumada.

I'm bored at mag-isa lang ako rito sa loob ng guidance office. Ang tagal ba naman kasi dumating nong guidance counselor at ng makaalis na ako agad sa lugar na ito. Hayst, bahala na aalis na ako.

I was about to open the door ng magbukas ang pintuan and here she is. The guidance counselor at kasunod niya si Miss Zabala. "Samantha Sienn Harthi Garcia?" Tawag niya sa buo kong pangalan na nagpapairita lang sa akin. I hate it kapag binibigkas ng buo 'yong pangalan ko.

Hinaplos niya ako sa braso at pinaupo sa katapat na upuan ni Miss Zabala. Nagulat pa ako when she put her hands sa kamay ko na nakapatong sa lamesa at pagkatapos malandi akong kinindatan. What the f!

"What is it all about?" Tanong niya at may pa haplos pa sa kamay ko. Ganito ba sila rito? Tumingin na ako kay Miss Zabala para humingi ng tulong rito. Halata naman na siguro ang kalandian ng guidance counselor na ito.

Miss Zabala grabbed my hands at sabay kaming tumakbo palabas ng guidance office. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa nakita kong mukha ng guidance counselor kanina. Shock and dismay haha serves, right?

Hingal na hingal kaming nakaabot sa tapat ng opisina nila Miss Zabala habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin. I was teasing her ng hindi pa niya binitawan ang kamay ko. Ang kinis at lambot pala ng kamay niya. Ano kayang sabon ang gamit niya? "Tsansing na 'yan ma'am ha."

Nakangisi kong sabi kaya nakatanggap ako ng matalim at nakamamatay na tingin mula sa kanya. "In your dreams." Sabi niya at inirapan pa ako bago siya pumasok sa loob ng opisina kaya sumunod na ako sa kanya.

"Gosh! Garcia, what are you doing here?"

Isang bagay ang lumanding sa mukha ko kaya wala akong makita. Isang kulay itim na blazer ang tumabon mula sa ulo ko kaya pala dumidilim kala ko gabi na hehe.

Nangangapa akong hinahanap ang upuan dahil wala akong makita at ayaw nitong ipatanggal ni Miss Zabala ang blazer sa ulo ko. Grabe naman 'yan insan. Pero wrong move ata dahil iba ang nahawakan ko. "Siopao!" Gulat kong naibulalas at bigla nalang kasing lumabas sa bibig ko. Gagi!

Miss Professor (GxG Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon