Chapter 10

108 3 0
                                    


Samantha

"Nak, ngayon ka lang?" Napahawak ako sa aking dibdib ng magsalita si Nanay Miling mula sa likuran ko. Papahakbang pa sana ako ng hagdanan para umakyat sa kwarto ko. Lately, ay magugulatin na talaga ako. Hindi na siya biro.

"Ah, opo, nay. Ngayon ngayon lang din ho." Sagot ko naman at humarap ako sa kanya.

Nakangiti si Nanay na tumango-tango. "Gusto mo ba kumain?" Tanong niya kaya napatingin ako do'n sa hawak nitong isang plastic ng dried intestine ata ng baboy o kung ano man 'yang klaseng animal intestines.

Natatakam tuloy ako ng makita ko ito. Matagal na din akong hindi nakakain niyan. And, sinasabi ko sa inyo masarap siya. Try niyo kumain tapos isawsaw niyo sa suka. Super yummy, mapapabili kayo ulit for sure kapag natikman niyo na.

Tumaas muna ako ng aking kwarto para magbihis sandali while Nanay Miling naman ay pumunta siya sa kitchen to put the dried intestine sa bowl and kumuha na rin siya ng sukang maanghang saka malamig na tubig sa refrigerator.

Pagbalik ko ay na ro'n sa mesa sa living area ang mga kinuha ni Nanay. Dalawang baso, pitsel at may malamig na tubig. Pati na ang sukang maanghang and the dried intestine ay nakalagay na ito sa bowl.

Umupo na rin ako sa sopa sa tabi ni Nanay Miling at prenteng siyang nakaupo saka hinihintay na lamang ako nito.

But before that kinuha ko muna ang remote sa aming flat screen tv rito sa sala na nakapatong sa maliit na cabinet.

I open the television after ay umupo na rin ako.

We watch one more chance movie na favorite ni Nanay Miling panoorin. She's a fan of Bea Alonzo and Johnlloyd Cruz.

Bea's iconic lines sa movie na kabisadong-kabisado na niya at pati na rin ako ay nagiging kabisado ko na dahil sa paulit-ulit na panonood nito. 'Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit.' Oh diba. Ang sakit naman kasi, right? Tagos na tagos hanggang sa esophagus.

Kumuha ako ng dried intestine at isinawsaw ito sa suka and then sinimulan ko nang lasapin at kainin. Napapikit pa ako dun at ninamnam ko talaga ang sarap na nanunuot dito. Haha, corny.

Naiiling at natatawa na lang ako kay Nanay Miling ng mapabaling ako sa kanya. She's crying habang tutok na tutok siya sa pinapanood.

Andun na kasi kami sa part na maghihiwalay na sina Popoy at Basha.

Ganyan 'yan si nanay. Kahit na paulit-ulit na niya napanood yong movie ay umiiyak pa rin siya lalo na do'n sa mga part na nakakaiyak.

"Nay, ohh." Ibinigay ko sa kanya ang dala kong panyo na nilagay ko sa bulsa. Kumuha ako niyan panigurado kanina dahil kabisado ko na itong si nanay.

"Salamat, nak." Sabi niya habang nakaungos pa. Oh! Gosh! Haha. Nakakatawa talaga tong si nanay.

And, ganito kasi ang bonding namin dalawa ng Nanay Miling ko. Nagpapasalamat nga ako na nandiyan siya parati para sa akin at kahit papaano na ang pangungulila kong atensyon sa mga magulang ko ay pinupunan niya. Kung wala si Nanay Miling, hindi ko alam ang gagawin. Speaking of my parents, they're not here. I forgot na nasa business trip pala sila.

Natapos na namin ang movie na sumisinghot-singhot pa siya. Ang cute ng Nanay ko umiyak. Haha. Ako na nga lang din yong naka-ubos ng dried intestines habang siya ay focus lang sa pinapanood.

Pinatay ko na rin ang tv at ibinalik ko ang remote sa cabinet pagkatapos ay binalingan ko si Nanay. Sa totoo lang, hindi ako nag enjoy sa palabas 'cause kabisado ko na rin naman ang buong storya ng movie. I'm just enjoying watching Nanay Miling, sa mga reactions nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Professor (GxG Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon