Chapter 9

71 3 0
                                    


Samantha

"Scarlett. I know you came." It was Kuya Kyle na sinalubong pa nito si Miss Zabala at dinala rito sa table namin.

Para naman kaming mga sira ni Kentoy na nagsikohan pa sa inupuan namin dahil hindi namin alam na magkakilala pala silang dalawa.

"Yeah, do I have a choice?" Biro naman nito kay kuya kaya natawa na lang na napapailing si Kuya Kyle sa kanya.

"Grabe, sa tanda na natin ngayon. Halatang hindi mo pa din gusto umattend ng party?" Natatawa pang sabi ni Kuya. So, matagal na pala sila magkakilala? Bakit hindi namin alam iyon?

"You know me, Kyle at wala nang bago dun." Seryoso namang sabi nito at napatingin sa gawi namin. Bahagya pa itong nagulat ng makita ako at agad din naman nagsalubong ang mga kilay na bumaling ulit kay Kuya Kyle.

"Haha, okay, okay. Galit ka na eh. Ang ikli talaga ng pasensya mo. Nga pala, where's-"

"Jason?"

"Harthi." Inis akong napatingin kay Kentoy ng sikohin ako nito ng sikohin. Ano ba ang problema ng kaibigan kong 'to. Kanina pa siya siko ng siko sa 'kin.

"Ano?" Inis kong sabi sa kanya. Kitang nakiki-tsismis ako rito sa dalawang nag-uusap na nasa harapan namin at mukha pang close sila.

"Magkakilala pala sila Kuya Kyle at saka si Miss Zabala, 'no?" Bobo niyang sabi kaya kinatok ko ang braincells nito sa ulo. Baka kasi natutulog gigisingin ko lang. Kakainis obvious na nga.

"Obvious na nga, diba?" Pinaikot ang mata kong sabi.

"Aray ko naman, Harthi." Aba, late reaction. Sinamaan niya ako ng tingin at iling na ininom ang laman ng basong hawak.

"Iwan ko sa'yo, Kentoy. Manahimik ka na lang at makinig sa usapan nila. Makiki-tsismis muna tayo dahil hindi lang ikaw ang curious rito." Mahina kong bulong sa kanya dahil napatingin na ang dalawa sa gawi namin.

Nakangiti si Kuya Kyle na tumingin sa 'kin bago saglit kay Kentoy at muli kay Miss Zabala. "Btw, Scarlett." Duda akong ipapakilala niya kami rito. "Si Kent my, brother. I know, you know him, 'yong batang siponin remember?" Halos nagpigil ako ng tawa sa sinabi ni kuya na siponin. Well ganyan naman siguro ang mga bata? Lahat naman siguro ng bata ay dumaan sa pagiging siponin? Agree, right?

"Yes, I remember him."

Tumango-tango si Kuya. "And this girl she's, Samantha. My sister."

Kunot noo si Miss Zabala na tinitigan si kuya. Hindi siya naniniwala. Bigla naman natawa si Kuya Kyle. "Bilib na talaga ako sa'yo, Scarlett." Iling-iling pa siyang natawa.

"Uulitin ko. You know me at alam kong wala rito sa Pilipinas ang sister mo. Still, I remember her face." She's surely said. Siguradong sigurado talaga siya.

"Yeah. Nakalimutan kong, you graduated as Salutatorian during Elementary. Valedictorian in High School. And, Suma Cumlaude sa College." Iling pa si Kuya Kyle na natatawa. Pero grabe, talaga ba na- gosh. Ang sobrang talino pala nitong si Miss Zabala.

'Edi mas lalo kang nagkaka-crush sa kanya' sabat naman ng utak ko na hindi kasali sa usapan. Papansin ang braincells ko mga, dai.

Iwinaglit ko na lang ito. Baka kasi kung ano pa masabi ko.

"Need mo pa talaga ipa-alam sa kanila? Want mo  microphone para ipagsigawan mo na din?" Inis siyang inirapan si kuya.

"Bakit, to-"

"Sige, isang hirit mo pa uuwi na ako." Para naman tuta na nanahimik agad si kuya kaya lihim akong natawa. Haha, takot naman pala 'to eh. Hindi siya gumaya sa 'kin. Hindi ako natatakot, and never that gonna happen.

Miss Professor (GxG Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon