Chapter 4

79 2 0
                                    


Samantha

"Maganda ka pa po sa umaga, binibining Ms. P." Maligalig na bati ko kay Ms. Perez ng makasabay ko ito maglakad rito sa hallway.

Nagulat pa itong lumingon sa akin at ngumiti din ng makita ako.

"Magandang umaga rin sayo, Sam." Panggagaya niya naman sa akin at nagtawanan kami.

"Kung inyo pong marapatin, aking binibini. Gusto ko po kayong pagsilbihan, ako na po ang magdadala ng bag niyo?" I bowed my head at winagayway ko pa sa ere ang aking kamay at saka nilagay ito sa may bandang tiyan ko na para bang humihingi ako ng pahintulot sa kanya.

Noong hindi pa umalis si Ms. Perez sa ZGU, 2 years ago ay madalas ko 'tong kabiruan. Kapag nakasalubong ko siya sa daan o 'di kaya sa oras ng klase niya sa amin. I usually greet her using the tagalog language.

"Ikinagagalak ko ang iyong kabutihan' loob, aking Samantha. Kaya ito na't ibibigay ko na sa iyo ang aking bag na dala."

I know we sound corny pero dito kami masaya sa trip namin.

"We're here na po, ma'am." Sabi ko ng makaabot na kami sa tapat ng opisina. Hinatid ko na rin kasi si Ms. Perez sa opisina nila at maaga pa naman para sa first subject ko.

Sinadya ko talaga na maaga ako sa school para sa cafeteria na ako kakain ng umagahan.

Ang aga ko kasi nabadtrip sa bahay kaya minabuti kong makaalis agad sa toxic na lugar na 'yon.

"Thank you, Sam." Nakangiting hinging pasasalamat ni Ms. Perez ng makuha na nito ang bag niya at pagkatapos ay sinukbit niya ito sa kanyang balikat.

Tumango lang ako at nagpa-alam na sa kanyang' aalis na. Pero bago pa ako umalis ay hinihintay ko pa s'yang makapasok sa loob ng opisina.

Nang nasa loob na ito ay tumalikod na ako at aalis na sana ng masalubong ko naman si Ate Monique at agad nito akong niyakap. May ilan-ilan na nakatingin sa amin na mga students pero hinayaan ko lang sila. Kikiligin na naman sila n'yan eh.

"Sabi sayo e, sa bahay ka nalang tumira." Nakaungot niyang sabi habang yakap-yakap ako. Sinabi ko kasi sa kanya kanina na badtrip ako sa amin at gusto ko maka-alis agad sa impyernong bahay na 'yon ng parents ko.

I know, she's concerned. Pero okay lang naman ako, kaya ko pa naman at masaya ako.

"I won't, Ate." Umiling ako. "Alam mo naman kung bakit?"

Napabuntong hininga siya na bumitaw sa yakap at batid ko ang paging concern nito.

"Basta, Sam. Nasa likod mo lang ako palagi ha." Drama nito.

Napalingon naman ako sa likuran ko, "Nasaan, Ate?" Nakanguso kong sabi pagkatapos ay binalingan ko ulit siya.

"Wala naman eh. Look oh. Nasa harapan ko naman ikaw and wala sa likod ko." Biro ko pa sa kanya kaya nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran mula rito.

"Tse. Ikaw talaga puro ka biro." Natawa nalang ako ng mag-kunwaring naiinis ito.

"Ang drama mo kasi, Ate. Eh, okay lang naman po ako." Natatawang sabi ko at naiiling ko siyang niyakap.

"Don't worry too much, Ms. Mokang. Maganda pa rin naman 'tong pinsan mo. Kaya, wala ikaw dapat ipag-alala sa akin, okay." Sinabi ko pa at agad kumalas na sa yakap.

Napabuntong hininga na naman ito. "Hays. P~"

Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Ate Monique ng may biglang magsalita.

"Mag...pinsan kayo?"

Si Miss P na nakakunot ngayon ang kanyang noo at pabaling-baling ang tingin sa amin.

Miss Professor (GxG Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon