Chapter 6

63 2 0
                                    


Samantha

"Laura, bumalik ka rito." Narinig kong tinawag ni Daddy si Mommy.

Halos araw araw ganito na lang ang scenario sa bahay namin. Naririndi na ako sa mga bunganga nila. Wala ako magawa. Kasi kahit ano ang pilit kong pigil sa kanila ay hindi pa din naman sila titigil.

Kahit papaano nasanay na ako.

"Hayop ka, Kennedy. Hindi na ako babalik r'yan. Maghiwalay na lang tayo."

This is the reason why I hate home.

Nakatulala lang ako rito sa aking kwarto habang pinapakinggan ko ang mga sigaw nila. Maya maya lang ay nakakarinig ako ng tunog ng makina. Ibig sabihin ay umalis ang Mommy ko.

Dahan-dahan akong nagpada-usdos sa aking kama. Here we go again. I really hate crying. Dapat malakas ako, dapat astig lang ako. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. May pag-asa pa ba sila? Minsan din ba iniisip nila ang anak nila? Iniisip nila ako? Iniisip nila kung anong mararamdaman ko? Hays :'(.

Nang wala na akong ingay na naririnig. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at pilit na nginitian ang sarili. Okay lang 'yan, Samantha. Siguro ay nandun na si Daddy sa kwarto nito?

Bumangon ako sa kama at naglakad patungo sa aking closet bago ko binuksan ito at may kinuha akong jacket.

Kinuha ko ang susi ng kotse sa ibabaw ng bedside table ko. Lumabas ako ng kwarto at saka bumaba na ng hagdan.

"Nak, aalis ka?" Nag-aalala ang tingin na tanong sa akin ng Nanay Miling ko ng makita nito ako.

Tinatago ang lungkot at ngitian siya bago ako sumagot sa kanya. "Opo, Nay. May pupuntahan lang po ako."

Niyakap ko pa siya bago ako nagpa-alam sa kanya na aalis na. "Mag-iingat ka, nak. Umuwi ng maaga?"

Tumango lang ako at kiniss siya sa kanyang pisngi saka ako tuloyan ng umalis.

Nag-drive ako ng kotse at nagtungo sa isang bar.

Pagdating ko sa bar ay pinarada ko na agad ang kotse malapit sa may entrance nito.

Pagkababa ay pumasok na ako sa loob at nagtungo naman sa counter area.

"Good evening, ma'am." Agad na bati sa akin ni kuyang bartender ng makaupo na ako.

"One glass of, Mezcal Clase Azul Tequila, please." Sabi ko kaya agad na nitong kinuha at ibinigay ang order ko sa akin.

Nang maibigay, I drink it straight at humingi pa ulit ako ng isa pang baso.

Gusto kong magpakalasing at kalimutan na lang ang lahat. I'm so fvcking hate my life. Si Daddy, si Mommy at ang buhay na meron ako.

I hate my life. Sana nga hindi na lang ako ipinanganak e.

"Isa pa kuya." Sabi ko kay kuyang bartender at nilagyan naman nito ulit yong baso ko.

Lasing na ata ako ng makaramdam ako ng kaunting hilo. Pambihira.

"Kuya, pakibantay upuan ko ha. Cr lang saglit." Sabi ko kay kuya at aalis na sana ako ng may makapa ako sa bulsa ng aking jacket. Susi ng kotse ko. "Pati ito pala, kuya. Bantayan mabuti ha, bye" paalam ko pa bago ko inilapag ang susi katabi ng wallet ko.

Naglalakad na ako patungong cr habang hawak hawak ko ang ulo ko. Mas lalo ata akong nahihilo. Gosh! Pasuray-suray na din ako kung maglakad.

Kahit hilo ay nai-raos ko parin naman mag cr at bumalik na agad ako sa counter. Naka-ilang order pa ako ng tequila ng maramdaman kong may tumutulong luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinahid bago tumungo ako sa ibabaw ng mesa.

Miss Professor (GxG Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon