Chapter 8

82 3 0
                                    


Samantha

Matapos kong ma-ibigay kay Miss Zabala si Pinky ay iniwan na niya ako at wala man lang itong pa thank you. At agad lumapit sa asawa niya.

Naghirap akong kunin 'yon pero simpleng thank you mula sa kanya ay wala akong natanggap.

Iling nalang akong naglakad papunta kay Ate Monique at sakto ring nagsabay pa kaming tatlo makalapit.

Nilisan na rin namin ang arcade matapos maubusan kami ng coins at napagkasunduan na manonood ng sine.

It's already 5 in the afternoon at 5:30 pm magsisimula ang papanoorin namin na palabas, which is ang 'Firefly' na pinagbibidahan ng child actor na si Euwenn Mikaell.

Bumili na rin agad kami ng ticket before pa kami maubusan dahil madami ang nakapila.

Habang naghihintay ay hindi pa kami pumasok sa loob ng sinehan at gumala lang saglit at saka bumili ng popcorn.

I'm the one na nautusan nilang bumili ng popcorn dahil si Ate Monique ay may kausap siya sa phone niya while the others busy naman sa paglalampungan.

Hindi pa ba sila nagsasawa sa isa't-isa. E napapansin ko kanina pa sila sweet. Edi sila na ang mag-asawa. Kainis, bakit ba kasi kailangan ko 'to maramdaman.

Napasimangot akong nilapitan ni Ate Monique at katatapos ko lang din bumili. She help me sa bitbit ko dahil tig iisa kami. Bali apat lahat ang binili ko at sakto lang. Hindi gaano kalaki at hindi din naman gano'n kaliit. Sakto lang talaga for just only one person.

"Anong mukha 'yan, Samantha?" Tanong ni ate ng makalapit na ito. Lalo naman akong sumimangot ng makita kong hinalikan ni Kuya Jason sa pisngi si Miss. Hays. Napag-alaman ko kasi na mag kasing edad lang din sila ni Ate Monique.

Focus Samantha wag ka sa kanila tumingin. Ang pangit ng view diyan.

Bumuntong hininga na lang ako ng malalim. Bago 'ko nakangiting inak-bayan si ate. "I love you, ate." I said at hinalikan ko siya sa noo. Ang sweet ko talagang pinsan hehe.

"Sam" nagtataka naman na tiningnan ako ni ate. Napahinto na rin kasi kami sa paglalakad. "Okay ka lang ba?" She said at sinapo ako sa noo kaya hinawi ko ang kamay niya. "Wala ka naman sakit. Nabuang ka na siguro."

Grabe. Hindi naman ako makapaniwalang tiningnan ko siya. Naging sweet lang nabuang na agad. "Ate, naman."

Sabagay hindi naman kasi ako as in sweet sa public. But pa minsan-minsan ay clingy lang talaga ako. And of course, sa mga pinsan ko lang din.

"Hay, tara na nga. Wala na 'yong dalawa dito." Sabi niya kaya napatingin naman ako ro'n sa puwesto ng mag-asawa kanina. Aba, iniwan nga kami ng walang pasabi. Nasa loob na siguro sila ng sinehan. Bago pa kami pumunta do'n ay bumili muna kami ng tubig sa nadaanan naming department store.

After makabili ay agad na kami nagtungo sa loob ng sinehan at ayon na nga nasa unahan ng sinehan nakaupo yong mag-asawa. Lumapit na kami sa kanila at umupo sa tabi nila. Bali si ate magkatabi sila ni Kuya Jason si Miss at saka ako. Napagitnaan namin ang mag-asawa.

Hindi pa man nag-uumpisa ang panonoorin namin ay may kumalabit naman sa 'kin. Napatingin naman ako dito, she's asking kung bakante ba ang katabi kong upuan at tumango naman ako sa kanya. Tiningnan ko kung may kasama ba siya pero she's by herself, nag-iisa lang siya.

Napalingon sa 'kin ang babae at nginitian niya ako. She's pretty at ang ganda ng gummy smile niya. Parehong-pareho sila ngumiti ni Jennie Kim na member ng blackpink at same din silang maganda.

"Gusto mo?" Nag offer ito ng pagkain niya pero umiling lang ako.

"No, thanks." Nakangiti ko namang itinaas ang popcorn ko.

Miss Professor (GxG Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon