It's been a week since nakabalik si Colton sa amin, pabalik-balik lang siya sa bahay dahil hindi naman pwede na magsama kami sa iisang bubong lalo na at wala naman namamagitan and Hindi kami kasal para magsama.
"Ate" tawag sa 'kin ni Ivi, ngumiti ako at sinandal ang ulo sa balikat ng kapatid.
"Lalim ng iniisip ah" Saad nito "Hindi naman, naisip ko lang kung okay lang ba ang mga bata" ani ko.
"Hay naku ate, okay lang mga iyon simula nga ng makilala nila si Kuya ni hindi na mahiwalay ang dalawa dagdag pa na lahat ng galaw ng mga bata eh bantay sarado" ani nito
"Alam ko naman yun, I feel like na detached na ang kambal sa akin" malungkot na Saad ko.
Eh kasi naman mas close pa ngayon ang dalawa kang Colton dahil siguro nakukuha nila lahat ng gusto nila kapag kang Colton sila humihingi.
"Sus ate, baka naman gusto mo ikaw pagtuunan ni kuya" hinampas ko ng mahina ang balikat nito
"Mag hulos-dili ka nga Ivi, pinagsasabi mo" para pa akong nandidiri habang sinasabi iyon.
Pinanliitan niya pa ako ng mata sabay taas baba ng kilay "Oh bakit Hindi ba? hindi man lang ba bumalik yung nararamdaman mo sa kanya?" mapaglarong tanong nito.
Ilang beses pa akong napakurap bago napailing "Umayos ka nga, nag-uusap lang kami para sa mga bata yun lang wag ka malisyosa" tumayo na ako para putulin ang usapan pero ang kapatid ay sumunod sa akin papuntang kusina.
"Naku ate, wag mo ako matalikuran. Never mo talaga naisip na baka pwede ba? or Hindi mo na-imagine na ikasal at maging completo kayu as a family?" makulit na tanong nito.
Umiling ako bilang sagot "Hindi, okay na ako sa mga bata Ivi, Masaya na ako sa set-up namin kaya wag na mamilit dahil Hindi mangyayari ang pinagsasabi mo" confident na sagot ko sa kanya
"anong hindi mangyayari?" kabado akong napalingun sa pinto, nakatitig sa amin si Colton habang hawak niya sa magkabilaang kamay ang kambal.
"Kanina ka pa?" kabadong tanong ko, baka kasi nadinig niya "Kakararing lang namin, anong hindi mangyayari?" muling tanong niya
Napabaling ako sa kapatid na nakangiting nakatitig sa akin "Wala yun, may pinag-usapan lang kami" sagot ko.
"Anong wala, haba nga Ng usapan natin eh" mapang-asar na sabat ni Ivi.
Masamang tingin ang aking pinukol sa kapatid "Might tell me Ivi?" curious na tanong ni Colton.
Lumapit ako kang Ivi at palihim na kinurot ito sa tagiliran "Ar—ay wala kuya may napag-usapan lang, bihisan ko na muna ang kambal excuse me" kinuha nito ang kambal kang Colton at umakyat.
Nawala naman ang kaba sa aking dibdib ng tuluyang makaakyat ang kapatid kasama ang kambal, na estatwa naman ako ng mapansin na sobrang lalim makatingin sa akin si Colton.
"Kumusta pala ang gala niyo?" tanong ko "Okay naman, they enjoyed" he answered.
Napansin ko kaagad ang kanyang paglapit kaya umikot ako sa kabilang side ng mesa "Are you avoiding me?" nakakunot na tanong nito, literal na halata sa mukha niya ang pagtataka.
"Hah—hindi" sabay tikom ng aking bibig, napahigpit ako ng kapit sa upuan ng unti-unti itong lumapit sa akin.
"Gusto mo tubig, kukuha kita" lalagpasan ko na sana siya ng hilahin niya ang aking braso at ibalik ako sa pwesto kanina.
Kinalibutan ako sa titig na binibigay sa akin Colton, titig na binibigay niya sa akin noon hindi ko mawari kung anong klaseng kaba ng dibdib ang aking nararamdaman lalo ng mapansin ko ang pagbaba ng kanyang mata sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Wild Offer (COMPLETED)
RomansLife goes unexpectedly, kailangan mo lang talaga makisabay sa agos ng buhay kahit ang kapalit panon ay ang dignidad mo bilang babae. Ashia Beige Brook, at a young age of 15 ay iniwan na siya ng ina niya para sumama sa iba, at ang tanging rason lama...