Para akong pinagsukluban ng langit at lupa pagkatapos ng confrontation namin ni Colton nong sabado, dagdag pa nang pag-uwi ko ng malaman na umuwi pala ang kambal sa bahay kaya kahit gusto ko silang puntahan sa kwarto ay mas pinili ko na dumeretso sa kwarto para umiyak.
"Ate kape, okay ka lang? tatlong araw ka ng ganyan?" nag-aalalang tanong ni Ivi sa akin at nilapagan ako ng kape.
tumango lang ako bilang sagot, masakit talaga kasi ang ulo ko dahil sa walang tulog. "Hindi ko alam kung ano tunay na nangyari pero yung kambal tinatanong kana sa akin"
May lungkot na binalingan ko siya ng tingin "Masakit lang ulo ko pero magiging din ako, ikaw muna bahala sa kambal . Salamat sa kape"
Nanghihina akong tumayo at muling umakyat pero bago pa ako makapasok humarang na si Chandrie sa pintuan "Mommy, galit ka po sa amin?" tanong nito
Napatitig ako sa kanya at nabaling sa kanan dahil andoon si Hans nag-aantay, pilit akong ngumiti at umiling "Bakit naman magagalit si mommy hmm? wala lang sa mood si mommy. Mommy is sick so I need to rest but I promise tomorrow I'll be fine"
Pinanliitan niya ako ng mata "Promised?" paninigurado nito sabay pakita ng pinky finger niya "I promised"
Inaya na nito si Hans na maglaro sa baba kaya pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto at humiga, nababahala ako hanggang ngayon, na prapraning na baka dumating dito si Colton at kunin ang mga bata sa akin. Iniisip ko palang hindi ko na kakayanin, baka ano pa magawa ko. Pinilit ko na tinulog ang pangamba dahil aaminin ko na nanghihina talaga ang katawan ko, kailangan ako ng mga anak ko, kapatid ko kaya kahit sobrang bigat ng dala-dala ko ngayon kailangan ko maging matapang at malakas.
I stayed the whole day in my room, wala akong nadinig na hinahanap ako ng kambal. I expected na makikita ko ang mga anak sa sala kasama si Ivi pero pati Yaya ay wala sa bahay. Umakyat ako baka na sa kwarto o baka sa na room ng tita nila pero wala talaga. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang phone at tawagan ang kapatid.
"Oh ate" bungad nito
"Nasaan kayu?" nag-aalalang tanong ko sa kanya "Nasa mall, may binili lang kami ng mga anak mo" walang ibang pumasok sa utak ko kundi si Colton
"Umuwi na kayu ngayon din" utos ko sa kanya "Ate kakataring lang namin"
"Ivi umuwi na kayo, bakit mo pa kasi sinama ang kambal?! you can go alone!" galit na sabi ko sa kanya
Lihim akong napamura ng mapansin ang tono "Your kids requested na dalhin ko sila sa mall because both of them wanted to buy you something to make you feel good and then you calling me getting mad for no reason!" halata sa boses nito ang inis.
"Umuwi na kayu" mahinahon na pagkakasabi ko, nadinig ko pa itong bumuntong hininga "Kids, Tara na pinapauwi na tayu ng mama niyo" pinatay na nito ang tawag.
Inis na ginulo ang buhok dahil sa ginawa ko kanina, natatakot lang naman ako na baka kunin sila ni Colton. Valid naman siguro ang reason ko, nag-aalala lang naman ako sa mga anak. Pagkauwi, binati kaagad ako ng kambal pero nilampasan ako ni Ivi at na unang umakyat sa kanyang kwarto
"Mommy okay lang ba si Tita ganda?" nagtatakang tanong ni Hans habang nakasunod ng tingin sa Tita nito.
Ngumiti ako at inayos ang buhok "She's okay, ya paki bihisan naman ang mga bata" utos ko
Dinala naman kaagad ng Yaya ang mga bata sa kwarto nila, pinag sisilip ko muna ang binili bago akyatin ang kapatid. Nadatnan ko itong nakaharap sa screen, nakakunot ang noo.
"Sorry" hinging tawad ko sa kanya
Hindi niya ako nilingun o umimik palang kaya pumasok na ako ng tuluyan at sinara ang pinto "Sorry dahil sa nagalit ako kanina, nag-aalala lang ako pasensya na"
BINABASA MO ANG
Wild Offer (COMPLETED)
RomansaLife goes unexpectedly, kailangan mo lang talaga makisabay sa agos ng buhay kahit ang kapalit panon ay ang dignidad mo bilang babae. Ashia Beige Brook, at a young age of 15 ay iniwan na siya ng ina niya para sumama sa iba, at ang tanging rason lama...