Chapter 34

810 31 25
                                    

Miriana's POV

"Birthday mo na bukas, anong plano mo?" Auxy suddenly asked

"Yeah right, birthday ko na pala bukas, muntik ko na hindi ma alala"tugon ko at tumawa

"Iniisip mo na naman siya? Mahal ka nun"aniya at humagalpak ng tawa

Inirapan ko siya at kumuha ng ice sa freezer dahil gagawa ako ng iced coffee

"Mag picnic nalang tayo sa dagat bukas"saad ko

"Hmm? Tayong dalawa lang? Isama natin si sky"aniya at tumango naman ako

"Ikaw ang kumuha sakanya, alam mo naman masama pa loob sakin ng nanay ni Sandro"

"Bakit hindi mo i try na makipag bati sakanya, matagal tagal na din yun miri"aniya at tumango ako

Kaya ko makipagbati pero parang ako parin masama sakanya eh, kung ano kasi sinabi nung kabit.

"Ri, yung charger mo pahiram, naiwan ko yata yung charger ko sa ilocos"

Agad ko naman hinanap ang charger ko at binigay kay Auxy.

"Nga pala, sabi sakin ni Vinny, nakita niya raw si Sandro sa Ilocos" sambit ni auxy habang nagtytype sa cellphone niya.

Nakapagtataka, pano yun napapad doon.

"Sa simbahan niya raw nakita" dagdag pa niya at tumango nalang ako.

I don't know what to react honestly.

Nagpunta ako sa kwarto ko at iniwan ko si auxy sa baba para mag ayos ng mga dadalhin bukas para sa picnic daw namin.

To be honest wala talaga akong plan for my birthday, muntik ko pa nga makalimutan eh, my plan tomorrow sana is to sleep lang or watch some movies since it's a normal day for me.

"Riri, gumising kana susunduin natin si Sky" sabi ni Auxy habang inaalog alog ang katawan ko

Ang aga aga naman.

"Riri!" sigaw niya sa bandang tenga ko kaya agad akong napatayo. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at tinawanan niya lang ako.

Kahit kailan talaga napakalakas ng boses niya.

Sakanya siguro nagmana si Feli.

"Aga naman Auxy, i want to sleep pa oh"

"HAPPY BIRTHDAY MARUPOKPOK KONG KAIBIGAN" sigaw niyang muli at may hinipan na torotot na humahaba basta yun na yun hindi ko alam ang tawag don.

"Auxy naman eh, napaka ingay mo no wonder bakit nag aaway kayo lagi ni Vinny" saad ko at tumayo na para maghilamos at maligo.

"Ang hinhin ko kaya kapag kasama ko si Vinny, kayo nga ni Sandro laging naghihiwalay eh" aniya at sinamaan ko naman agad siya ng tingin, nag peace sign naman si gaga.

Hayss.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta na kami sa bahay kung saan naroon si Sky, hindi na ako pumasok at si Auxy nalang ang inutusan kong kumuha kay Sky since siya lang naman ang pwede pumasok dun.

Natanaw ko na silang papalapit kaya naman bumaba na ako sa kotse para salubungin si sky.

"Hi Sky, i missed you babyy" i said and hugged her

She hugged me back and kinarga ko na siya pasakay sa kotse dahil nagmamadali si Auxy at dadaanan pa raw namin yung inorder niyang cake para sa akin.

Habang nasa byahe ay naging busy muna ako sa cp ko at si Sky naman ay may pinapanood sa ipad.

Lance texted me and greeted me a Happy birthday with a video kasama ng family niya, that's so sweet.

"Alam mo ang tibay rin ng relasyon nila Lance at Yca no" sambit ni Auxy nang marinig ang pagplay ko sa video na sinend sa akin.

"Swerte nila sa isat isa" sagot ko naman.

"Kaya nga eh, biruin mo may family na silang dalawa, hindi ko parin sila nakikitang nag away, well may misunderstanding sila pero yung malalang away like sainyo ni Sandro, hindi ko sila nakita na ganon, parang si Lance lagi nagpapakumbaba para hindi na sila mag away pa no"aniya at napapaisip naman ako.

Kung hindi ko kaya siya hiniwalayan ay ganon kaya ang ugali ni Lance? Kung kami pa kaya ngayon ay ako yung maayos ang buhay?

"Lalim naman ng iniisip mo teh" rinig kong sabi ni Auxy

"Nasisid mo ba" tanong ko naman at natawa siya.

"Bakit kasi hindi mo pinatawad si Lance, ayan tuloy napunta sa iba" aniya at natawa nalang ako, alam ko namang joke lang ang pagkasabi niya ng ganon.

Si Sandro kaya, babaero kaya siya ngayon kung hindi ko siya nakilala? Kung hindi kami kinasal ay siguro ay buhay pa yung mga babae niya sana.

Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko ngayon, wala kasi akong magawa.

My kids, nag greet na sila sa akin, my Family din nag greet na.

Hindi ko alam pero parang may kulang, parang may kulang sa mga nag greet sakin, ewan ko ba ang weird,  masaya ako na hindi kasi ewan ko.

"Dito na tayo!!"

Pagbaba namin ng kotse ay agad naming kinuha ang mga gamit na nasa likod ng kotse para maayos na sa may tabing dagat.

Binihisan ko na si Sky ng pang swimming niya at hinayaan na maglaro ng buhangin dito sa tabi ko.

"Ikaw hindi ka ba magsusuot ng swimsuit"

"Ako? ulol ang tanda ko na para dyan huy Auxy wag ka nga" angil ko naman

"Gaga, dali na picture kita para may ma post ka at mabalikan ka ni Sandro HAHAHA"

Kahit kailan talaga tong babaeng to.

"Dali na, Sexy ka parin naman hanggang ngayon Riri, dali na ngayon lang to oh birthday mo naman ngayon kaya wag kana umangal dyan, sesend ko location kay Sandro tamo" panakot pa niya sakin yun.

Pero syempre tinaggal ko nalang ang suot kong shorts at damit.

"Ay yan ba yung ayaw mag swimsuit" aniya habang kinukuhanan ako ng picture.

Ganon din siya nagpapicture at nagtampisaw kami sa tubig para naman maaliw si Sky.

Pagtapos namin sa tubig ay kumain lang kami at nagblow ng candle kasi nga birthday ko raw, daming paandar nitong si Auxy.

MC : BOOK 4Where stories live. Discover now