Tagpuan

41 4 4
                                    

Naaalala ko na naman ang ating tagpuan
Punong puno ng saya at hindi ko malilimutan
Masasayang alaalang naiwan sa nakaraan
Gusto ko mang balikan ngunit hindi na pwedeng makamtan

Masasayang sandali'y muling nagbabalik
Lagi kong naaalala ang mga yakap mo't halik
Sa bawat haplos mo ako'y nananabik
Hinihintay ang oras na muli kang babalik

Ang ating dating tagpuan na laging pinupuntahan
Laging pinapasyalan tuwing aking kaarawan
Ngunit dito rin ang lugar na ako'y iyong iniwan
Sa aking kaarawan at paborito nating tagpuan

Mga Tula Ni JahWhere stories live. Discover now