Alaala

17 2 1
                                    

Naaalala mo pa ba ang mga araw na kay saya?
Mga araw sa ating tagpuan na hatid ay ligaya
Palaging magkasama na tila parang mag asawa
At masayang nagduduyan sa ating tagpuan

Nalulungkot ngayon dahil bigla kang lumisan
Hatid ay sakit ng iyong iwanan
Ngayong nagdaramdam dahil mag isa nalang
At ngayon sa'ting tagpuan magisa nang nagduduyan

Hawak ang litrato na tayo'y magkasama
Mga nakaraang tila kay saya
Bawat ngiti ay tunay na parang isang musika
Ngunit ang masayang alala ay bigla nalang nabura

Sa lumang bisiklita masayang namamasyal
Tuwing sasapit ang umaga sabay na mag-aalmusal
Bibili ng kape at tinapay na pandesal
Nooy nangangarap na sanay sayo maikasal

Kay gandang balikan ating mga alaala
Kahit ngayo'y mayroon kanang iba
Ating mga pinagsamahan ay kay dali mong nilimot
Ngayo'y nalulungot,nakatalukbong nalang sa kumot

Bakit ba ganito ang tadhana?
Kung kelan ka nagmamahal doon nawawala
Hindi pa ba naging sapat?
O sadyang iba lang ang iyong hinahangad?

Mahirap magmahal ng taong di pa handa
Mahirap magmahal ng taong may iba pang mahal
Mahirap magmahal ng taong maraming hinahangad
At higit sa lahat mahirap magmahal ng taong hindi ka naman talaga mahal

Magiiwan nalang ako ng isang kataga
"mahalin mo ang taong pinipili ng puso mo hindi ang taong pinapangarap mo"

Mga Tula Ni JahWhere stories live. Discover now