Hanggang Tingin

15 1 0
                                    


Isasabay nalang kaya sa hangin?
Paghanga ko sayong tila hanggang tingin
Naghihintay na sana'y iyong ibigin
Pusong nagiintay ng taimtim

Kahit nasa malayo ay pilit kang pinagmamasdan
Wariy isang nagliliwanag na tala sa kalangitan
Ang iyong wangis ang nais na pagmasdan
Subalit natatakot kaya't hanggang tingin nalang

Ngayo'y naglakas loob upang ikaw ay malapitan
Ngunit sa aking paglapit tila puso ay nasaktan
Ang iyong paghihintay ay di pala sakin nakalaan
Kundi para sa aking matalik na kaybigan

Ipilit mang pigilan ang pagluha ng aking mata
Sakit na nararamdaman ay di na maawat pa
Kaya't pinili na lang na lumayo
Ang pusong kaylan man ay hindi naging buo

Mga Tula Ni JahWhere stories live. Discover now