Biglaang Paglisan

19 4 9
                                    

Ngayo'y namamaalam sa biglaan mong paglisan
Puso'y naguguluhan bakit nga ba nang-iwan
Muling nasasaktan damdaming nasugatan
Tila napagiwanan sa biglaan mong paglisan

Nagmumuni muni dito sa isang tabi
Nagbabakasakaling muli kang babalik
Hinahanap hanap init ng iyong pisig
Nais na maramdaman tuwing sasapit ang tag lamig

Lubos ang aking tuwa ng ika'y dumatal
Ngunit itong tuwa ay hindi rin nagtagal
Sapagkat ang puso ko'y iyo lamang nililo
Dahil ikaw at ako ay wala palang tayo

Tama pala ang aking sapantaha
Ang bawat hinala ay tila tumutugma
Na hanggang kaybigan lang talaga
Ang pagtingin mo'y di na hihigit pa

Handa akong magsilbi bilang iyong kandili
Ngunit hindi na maaari dahil di ako ang pinili
Sa buong akala ko ay magkakaroon ng tayo Kaybigan ko pala ang gusto mo

Sa huling stanza ay ngayon na magtatapos
Sa iyong paglisan labis ang aking pagka lunos
Namamanglaw tuwing naiisip ay ikaw
Kahit kaya ko pang ilaban pinili ko nalang bumitaw

Mga Tula Ni JahWhere stories live. Discover now