Rapporto ambiguo

18 3 4
                                    

Sa panibagong tula na nais na magawa
Ikaw ang mismong paksa
Na sa aki'y tumutugma
Ang tanging hiling ay hindi ka mawala

Ikaw ang pyesa sa aking kwento
Sa piling mo ako'y kontento
Hindi magbabago ang aking pangako
Magtiwalang hindi mapapako

Ito ang mga salitang naiwan sa nakaraan
Ngunit sa isip ay gustong pang balikan
Ipilit mang balikan puso'y patuloy lang masasaktan
Ang hapdi sa pusoy patuloy na nararamdaman

Durog na puso'y mahirap ng mabuo
Ang bawat pagtibok ay tila nagdurugo
Kaya't mas pinili ko nalang itong ihinto
Ang ating relasyong unti-unting lumalabo

Haling tulad sa walang katapusang ilog
Patuloy mang umagos sayo'y hindi na mahuhulog
Umagos man hanggang dalampasigan
Pagmamahal ko ay hindi na sayo nakalaan

Mga Tula Ni JahWhere stories live. Discover now