Aking paru-paro

16 3 2
                                    

Paru - parong bukid na lilipad lipad
Ang iyong ganda'y walang katulad
Hiling ng puso'y gustong matupad
Ang ikaw ay mapasakin iyan ang aking hangad

Ang iyong ganda'y wari'y parang paru-paro
At tila nalulunod sa tuwing ika'y sasamo
Pusong nagtitiis, nagiintay sa'yong pagdapo
Upang nadarama'y manatili at hindi na maglaho

Ika'y halin tulad sa isang paru-paro
May ibat-iba mang tatak sa aki'y di magbabago
At sa bulaklak tuwing ikaw ay dadapo
Puso ko'y unti unti mong napapaamo

Ako ang bulaklak at ikaw ang paru-paro
Na sana sa dami ng bulaklak ay ako ang piliin mo
Dahil ako sayo'y nagsusumamo
Upang maibsan ang sakit sa aking puso

Mayroon ka mang iba't ibang marka
Hinding hindi magbabago pagtingin ng aking mata
Dahil nagbighani sa taglay mong ganda
Kaya't sa bawat oras ay hinahanap hanap ka

Saan ka man magtungo,handa kang hanapin
Kahit walang kasiguraduhan ikaw lang ay mapasakin
Lilibutin ko ang mundo upang ika'y matagpuan
Aking paru-paro ngayon at magpakaylan man

Mga Tula Ni JahWhere stories live. Discover now