Paraya

17 2 0
                                    

Mahirap magparaya at mahirap din maging malaya

Dito sa mundong puno ng taong malaya
Nandito ako ang taong handang magparaya
Na kahit masakit na makitang masaya sya sa iba
Pinipilit ko nalang maging masaya kahit ang sakit sakit na

Bawat hakbang na tila di sigurado
Sa bawat laban ay tila ba dehado
Pag ibig ang nagsisilbing premyo
Ngunit sa dulo alam ko pa ring talo

Nakaupo sa isang tabi habang nakatingala
Kinakausap ang buwan at ang mga tala
Na nagsisilbing panyo na pumupunas sa aking mga luha
Upang maalis ang sakit at mapalitan ng tuwa

Nakakasawa ng paulit ulit na magparaya
Kailan ba makakaibig ng malaya?
Kailan ba makakaibig ng payapa?
Ilan sa mga katanungan na ang sagot ay wala

Mga Tula Ni JahWhere stories live. Discover now