Prologue

2 0 0
                                    

A / N : This story is based on my imagination. Any resemblance with your characters or settings are pure coincidental. Hope you enjoy it! :)))

PROLOGUE

"Welcome home!" bungad na bati niya sa 'kin habang nakangiti.

Sa halip na halikan ko siya sa labi at yakapin tulad ng nakasanayan kong gawin whenever I come home, I just stared at her. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya. I never saw it coming. I thought that everything was fine and true. But I guess, life has its own way of making you taste its bitter side of the story. 

"You okay, bun?" she asked habang nanlalambing na yumakap sa 'kin.

Tipid naman akong ngumiti sa kanya. How can she be like this yet lying to me at the same time?

"Yup, I'm just tired from work." tanging sagot ko.

"Nako naman, sabi ko naman kasi sa 'yong huwag kang masyadong magpagod eh." sabi naman niya.

Hindi na lang ako umimik. Hindi naman talaga ako nagtrabaho kundi nakipagkita ako sa private investigator na pinagpaimbistigahan ko sa kanya.

"Nako, hindi pa pala ako nagluluto! Teka, I'll just cook for our dinner." aligaga niyang sabi.

"Aight." sagot ko naman.

"Later ~ I love you!" sabi niya and gave me a peck on the lips.

Tumango lang ako at hindi sumagot sa kanya. Pinagmasdan ko siya habang papalayo. Who are you? 

Sumalampak ako sa sofa namin dito sa sala matapos kong basta na lang inilapag ang mga gamit ko sa coffee table. Frustrated na ginulo ko ang buhok ko at pumikit na sumandal sa sofa back.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin at paniniwalaan." nahahapong bulalas ko.

Should I believe what the private investigator told me or should I trust her gestures? Hindi ko talaga alam. I am hurt and feeling betrayed at the same dahil sa mga nalaman ko kanina kaya hindi ko alam kung paano ko na siya dapat pakitunguhan ngayon. Bakit hindi ko nakita noong una pa lang? 

How come kung kailan nagpropose ako sa kanya at kasama ko na siya sa iisang bahay, tsaka ko lang nakita ang pagkakaiba nila? Akala ko dahil matagal kaming hindi nagkita at kababalik niya lang sa akin last year galing California kaya siya nag-iba. I'm such an idiot; wala akong kaalam-alam. Ibang tao pala ang bumalik sa 'kin at inalok ko ng kasal. Kaya pala ang dating straight na buhok niyang kulay itim ay naging curly na brown. Idagdag mo pang from mini dresses and short shorts, naging maxi dresses and fitted pants. And her traits and actions? Ibang-iba sa dati. Kaya pala kung dati ay ayaw pa niyang magpahalik o magpagalaw sa 'kin, ngayon ay siya pa ang nag-uumpisa. Idagdag mo ring kung dati ay pala-sigaw at ma-attitude siya, ngayon ay tahimik at soft-hearted na siya.

I do not know her motive kung bakit siya nagpapanggap and I'm itching to find out why. Pero kung basta ko na lang siya komprontahin ngayon, I don't think I'll be able to find out the answer. And what's even confusing me is her appearance. Why does she have the same face as her?

Sa pagkakaalam ko, walang kambal o kapatid si Estelle dahil noong ipinakilala niya ako sa kanila, nalaman kong only child lang siya. Where's my real Estelle, then?

"Fuck, I need answers." bulong ko sa kawalan.  

I really hate liars.

_---_

A / N : Hello guys!!! I'm finally back! Pasensiya na talaga at ilang buwan, taon na nga ata eh, akong hindi nagparamdam :( Hindi talaga ako makapagsulat dahil sa writer's block and I didn't know what to do about it. Isa pa, I got busy with work. But here I am! Here's a short story for the month of love. Maikli lang ito kaya mabilis lang ang mga pangyayari. But I still hope na magustuhan niyo! Happy Valentine's Day, my dear readers and followers! 

TRUTH BETWEEN THE LIES (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon