Epilogue

2 0 0
                                    

EPILOGUE

"Mizy, saan mo ba talaga ako ipupunta?" naiinis na tanong ko sa kanya. "Alam mong nakawhite ako eh! Mamaya ang dumi-dumi na ng damit ko." dagdag ko.

Paano ba naman? Kanina pa kami naglalakad dito sa kakahuyan. Isa pa, hindi ko alam kung bakit puti ang ipinasuot niya sa 'kin at pinag-ayos pa niya ako.

"Malapit na tayo, beshy. Kaya relax. *laughs*" sagot niya.

Napairap na lang ako. Wala ako sa mood ngayon dahil pagkagising ko eh wala na akong katabi. Sino pa ba? Syempre si Garret. Matapos kasi kaming magkaayos ay nanatili na siya rito. Actually, isang buwan na siyang nandito. Well, hindi naman diretso dahil paminsan-minsan ay bumabalik siya sa Laguna dahil malapit na ring matapos ang project nila. Pero next week ay tuluyan na kaming babalik sa Manila dahil kailangan na rin naming magbukas ng shop ni Mizy. Isa pa, ipopolish na nila Garret ang ginagawa nilang building para mai-turn over na nila sa nagpagawa. 

Gusto ko mang mag-stay na lang dito ay hindi pwede, lalo na at may mga iniwan kaming responsibilidad sa Manila. Although, sabi naman ni Garret ay babalik kami rito. Yun nga lang, hindi ko alam kung kailan ulit.

"Huwag ka nang sumimangot diyan, beshy. Papangit na talaga yang anak niyo kapag lumabas." pang-aasar niya.

"Dibale, mas pangit ka pa rin naman if ever." pang-aasar ko rin.

"Over!" sabi naman niya.

Tumawa na lang ako.

"We're here." nakangiting sabi niya.

Napakunot-noo naman ako nang mapagmasdan ang nasa harapan namin. Isang wooden door na humaharang sa waterfalls na pinasyalan namin last week.  

"Hindi ba wala pa 'to noong pumunta tayo rito last week?" takang tanong ko habang nakaturo sa pinto.

Ngumiti naman siya ng pilyo pero hindi ako sinagot.

"Nice talking to the air." naiinis na sabi ko.

"Congrats, beshy." sabi lang niya at niyakap ako.

Tatanungin ko pa sana siya kung anong ibig niyang sabihin pero bigla na lang nagbukas ang pinto kaya napatingin kami doon. Napatakip ako sa bibig ko and I got teary-eyed dahil sa nakita ko. There is a red carpet leading to the edge of the cliff and may mga bulaklak sa pathway. There are also speakers on both sides of the aisle na kasalukuyang umiilaw-ilaw pero wala pang tunog. May malaking arko ng mga bulaklak na naghugis puso sa gitna at may tatlong upuan sa left side nito. But most of all, ang mga tao sa gitna ang nagpa-overwhelm sa 'kin. Garret, in his white long sleeve and black pants, is standing at the center of the arc with Judge Florence, Estela, and Lucas. He smiled at me pero hindi ko nagawang ngumiti pabalik sa kanya dahil hindi pa rin ako nakakaget-over, and instead ay bumaling kay Mizy.

"W-What's this?" tanong ko.

Umangkla naman siya sa braso ko.

"It's your wedding day, beshy!" sabi niya.

"F-For real?" paninigurado ko.

Tumango naman siya. Nawala bigla ang inis ko kay Garret.

"Congrats, kambal!" sigaw ni Estela habang patakbong lumapit sa 'kin.

Inabot niya sa 'kin ang isang bouquet at umangkla sa kabila kong braso.

"Bilisan niyo, girls! Kabado na itong groom! *laughs*" - Lucas

Tumingin naman kami sa kanya at nakita naming binatukan siya ni Garret.

"Let's go!" - Mizy

Tumango naman ako. Unang hakbang namin palapit sa kanila ay saktong tumunog ang kanta ni Yeng na may pamagat na Kung Uulitin. He remembered our theme song. Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa kanila. Nagtitigan lang kami ni Garret habang naglalakad ako. I can't believe we're getting married right now. Ang sabi niya kasi sa akin ay hihintayin naming lumabas si baby bago kami magpakasal.

TRUTH BETWEEN THE LIES (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon