Chapter 2

1 0 0
                                    

-2-

Garret's P.O.V

Katatapos lang maganap ng conference namin at ngayon nga ay nandito na kami sa tabing dagat. We'll be staying here tonight at uuwi kami bukas ng madaling araw. Dalawa lang kami dahil hindi natuloy sa pagsama si Mizy. Hindi ko alam kung anong rason basta ang sabi lang niya sa impostor na Estelle ay hindi siya makakasama sa amin. Speaking of the impostor, masaya siyang nagpapahangin sa shoreline.

"Dude, ano ba talagang plano mo sa kanya?" tanong ni Lucas, my friend, sa kabilang linya.

"To make her taste her own medicine." sagot ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo siyang komprontahin? Mamaya, gumagawa ka ng katarantaduhang pagsisisihan mo lang sa huli." sabi naman niya.

"You know well na ayaw ko sa mga sinungaling. Isa pa, wala akong alam na ginawa ko sa kanya para lokohin niya ako." sagot ko.

"Kaya nga kausapin mo, dude! Hangga't hindi mo nalalaman ang totoo, mas lalo kang mangangapa sa dilim at magkakamali sa mga gagawin mong desisyon. She's such a great woman, dude. Huwag mo naman siyang sayangin." - Lucas

Great woman? Nagtagis naman ang bagang ko dahil sa sinabi niya. Matatawag mo bang great woman ang isang babaeng sinungaling?

"Paglalaruan ko lang siya saglit. Then you can have her." - ako

I felt a stab in my heart dahil sa sinabi ko pero hindi ko na lang pinansin.

"GAGO! Ayos-ayusin mo desisyon mo sa buhay. You know what? I don't wanna talk to you right now, man. Baka kung ano lang masabi ko sa 'yo. " sabi niya at pinatayan na ako.

Napailing na lang ako at umupo sa deckchair. Tinitigan ko ang impostor na Estelle. Noong hindi ko pa nalaman ang kasinungalingan niya, I loved calling her with our endearment. Pero ngayon, galit ang nararamdaman ko sa kanya. Pilit ko mang kumbinsihin ang sarili kong baka may matindi siyang dahilan kaya siya nagpapanggap so I should give her the benefit of the doubt, hindi ko magawa. I really hate liars. 

Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa 'kin. She waved her hand and motioned me to go to her pero umiling lang ako. I saw her frowned pero mabilis ring napalitan ng ngiti at tumalikod na siya ulit.

Hindi ko lubos maisip na kaya niya akong gaguhin. What did I do to deserve her betrayal? Kung hindi sana siya nagpanggap, ang totoong Estelle sana ang kasama ko ngayon. Masaya sana ako ngayon. I felt a stab again dahil sa naisip pero tulad kanina ay binalewala ko lang.

I just watched her. Wala naman akong naging problema sa kanya. Sa isang taong pagsasama namin sa iisang bahay, hindi ko siya nakitaan ng pangit na ugali. Kung tutuusin, mas maganda pa ang ugali niya kaysa sa totoong Estelle. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakatanga ko para hindi mapansin ang lahat. Nagustuhan ko ba ang akala kong pagbabago niya? Na in love ba ako sa akala kong pagbabago sa ugali niya? Sa pag-aalaga niya? O sa pagpaparamdam niyang mahal niya ako pero hindi naman talaga dahil ginagawa lang niya yun para makumbinsi ako sa pagkatao niya?

Napapikit na lang ako sa frustration na nararamdaman ko.

"Bun!" narinig kong tawag niya sa 'kin pero nagkunwari akong hindi ko narinig.

"Tulog ka na ba riyan?!" natatawang dagdag niya pa pero hindi pa rin ako sumagot.

Maya-maya pa ay tumahimik na siya kaya akmang magmumulat na ako ng mga mata nang maramdaman kong may humalik sa akin. I opened my eyes and saw her kissing me. It was a light kiss, nibbling my lower lip. I just watched her. She looks so beautiful. Napakurap naman ako para alisin ang kung anong iniisip ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya.

"Sabi na eh. Nagtutulog-tulugan ka lang ---" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at hinila ko ang batok niya para ako naman ang humalik sa kanya.

I nibbled her lower lip. Kinagat-kagat ko ito na parang candy na malambot. Damn her. Mas lalo ko pang pinalalim ang paghalik sa kaniya; yung tipong hindi na siya makakahinga. 

A punishing kiss.

_---_

TRUTH BETWEEN THE LIES (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon