Chapter 7

2 0 0
                                    

-7-

Estelle's P.O.V

"Anong ginagawa mo rito?" halos pabulong na tanong ko.

Garret walked towards me at bigla na lang akong niyakap.

"I missed you. I'm sorry." - Garret

Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang umiyak. I missed him so much.

"Nakakainis ka naman eh. *sobs* Kung kailan gusto ko nang mag-move on sa 'yo, tsaka ka magpapakita. Alam ba 'to ni Estela?" - ako

"Oo naman, kambal." - Estela

Napalingon naman ako nang marinig ko siya. There, I saw her with Lucas, Jesse, and Mizy.

"H-How?" tanong ko.

"Hindi kami nagkabalikan ng kambal mo, bun. Wala naman kasing babalikan dahil sa 'yo naman ako simula pa noong una." nakangiting sabi ni Garret. "Mahal kita, Estelle." dagdag niya.

Mas lalo naman akong napayakap sa kanya.

"I-I'm sorry if I left you. Akala ko kasi hindi ako ang mahal mo. *sobs*" sabi ko.

Hinaplos-haplos naman niya ang buhok ko.

"I forgive you. Kasalanan ko rin naman eh, pinairal ko ang pride at galit ko sa 'yo." - Garret

"Mahal kita." I told him.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa 'kin.

"Hindi mo na ba kailangan ng explanation ko?" I asked.

Tumingin naman siya sa 'kin and wiped away my tears using his thumb.

"No need, bun. I just need to know what you really feel." sabi naman niya.

"At alam mo naman na diba?" I asked.

Ngumiti naman siya.

"Yes." sagot niya. "Ako ba?" tanong niya.

Tumango naman ako kaya niyakap niya ulit ako. Sensya na anak, nasabik din ata ang Papa mo sa 'kin.

"Thanks, bun. At sobrang saya ko kasi magkakababy na rin tayo." kunwaring bulong niya pero gusto niya atang iparinig sa mga kasama namin dahil malakas ang pagkakasabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at napalayo ng konti sa kanya. Tinignan ko si Estela at sinamaan ng tingin.

"Estela!" - ako

Nginisihan naman ako ng bruha at nag-peace sign.

"Sorry na, kambal. Ayaw mo nun, na-motivate siyang hanapin ka." sabi niya sabay kindat sa 'kin.

Nakita ko namang kaparehas kong napailing ang mga kasama niya kaya hinila na lang niya sila papasok sa loob para maiwan kaming dalawa. Nanatili kaming magkayakap habang tinatanaw ang dagat.

"Medyo pumayat ka." pagpansin ko sa kanya.

"Haven't been sleeping good since you went away." sagot naman niya.

 "Ikaw kasi eh, sinabihan mo kong umalis na." nagtatampong sabi ko.

He chuckled at pinitik ako sa noo.

"Sa susunod, hindi porke sinabihan kita eh gagawin mo na. Bugso lang yun ng damdamin." sabi niya.

Ako naman ang natawa.

"Oo na. Hindi na po mauulit." sabi ko.

"But you know what? I think okay din na nagkahiwalay tayo para mas tumatag tayo as individuals at mas umusbong yung nararamdaman natin para sa isa't isa." he said habang nilalaro ang daliri ko.

"Sabagay, tama ka nga." sang-ayon ko naman.

"Just promise not to leave me again, aight?" sabi niya.

Humarap naman ako sa kanya at tinignan siya sa mga mata.

"Ayokong mag-promise, bun. Gagawin ko na lang." sagot ko habang hinahaplos ang pisngi niya.

Nakakaunawang ngumiti at tumango naman siya.

"I agree." sabi niya. "I love you." dagdag niya.

Ngumiti lang naman ako at niyakap siya.

I'm glad we've made up.

_---_

TRUTH BETWEEN THE LIES (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon