Chapter 5

1 0 0
                                    

-5-

Estelle's P.O.V

"Beshy, kumain ka na ba?" tanong ni Mizy sa 'kin.

"Tapos na." sagot ko naman habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

Nandito ako sa probinsya nila Mizy sa Camarines Sur. Apat na buwan na rin akong naninirahan dito at ganun na rin ang buwan ng anak ko sa loob ng sinapupunan ko. Yes, I'm pregnant. 

Totoo nga ang kasabihan nilang ang lungkot ay may kapalit na kaligayahan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya o kung sasabihin ko pa ba. Hindi ko magawang magalit sa kanya, lalo na at may nabuo kaming bata. How can I be mad at him kung ako naman ang may kasalanan kung bakit siya naging ganun? Pero nalulungkot lang ako dahil hindi niya man lang ako hinayaang makapagpaliwanag. Sabagay, hindi naman niya ako mahal kaya para saan pa ang pag-alam niya sa katotohanan diba?

"Haynako, beshy. Ayan ka na naman sa pag-iyak. Gusto mo bang lumabas na panget ang anak niyo?" - Mizy

Tumawa naman ako.

"OA ka naman. Hindi ko lang kasi maiwasang mag-isip." sabi ko. "Siguro, masaya na sila ni Estela ngayon." dagdag ko pa.

Tumawa naman siya.

"Di ka sure." sabi niya.

Kumunot-noo naman ako.

"Haynako, huwag mo na muna sila isipin. Punta na lang tayo mamaya sa birthday ng pinsan ko para hindi ka na maboring dito." sabi niya.

"Sige." sang-ayon ko naman.

Wala rin naman kasi akong gagawin dito kundi mag-isip at magmukmok. Iniwan na niya ako at maghahanap pa raw siya ng susuotin namin. Nanatili lang naman akong nakatanaw sa dagat ng isa pang oras bago ko napagpasyahang pumasok at humiga. Pipikit na sana ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Without looking at the caller, sinagot ko ito.

"Hello?" bungad ko.

"Bun, where are you?" sabi ng nasa kabilang linya.

Napatigil naman ako at tinignan ang numero ng tumawag. Estella ang caller ID, pero si Garret ang kausap ko? I pinched myself. Totoo ba 'to?

"Bun, are you still there? Umuwi ka na, I miss you." sabi niya.

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang maiyak. He's drunk calling me. Nakaramdam ako ng inis kay Estela. Ano bang balak niya? Pinaubaya ko na nga si Garret sa kanya tapos ngayon ay hinahayaan niyang magkaroon ulit kami ng koneksyon. Masasabunotan ko talaga yun kapag nagkita kami ulit.

"I miss you, please come back." ulit niya.

Pinatay ko na ang tawag. Hindi ko kaya. Tuluyan na akong napaiyak. Ano bang ginawa ko para ganito ako saktan ng mga tao sa paligid ko? Nagpaubaya na ako, diba? Bakit kailangan niya pang magparamdam sa 'kin ulit? Hindi naman na niya ako kailangan. Nasa tabi na nga niya ang tunay niyang mahal.

Pumikit na lang ako habang umiiyak at hinaplos-haplos ang tiyan ko.

"Anak, sorry ha? Please, kapit ka lang kay Mama." bulong ko.

Miss na miss ko na ang Papa mo.

_---_

TRUTH BETWEEN THE LIES (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon