Chapter 1

1 0 0
                                    

-1-

Estelle's P.O.V

"Huy, beshy! Tulala ka na naman diyan." - Mizy

Napakurap naman ako nang pitikin niya ang noo ko.

"Ano yun?" tanong ko.

"Sabi ko, tulala ka na naman diyan. Ano na naman bang nangyari? Nag-away ba kayo ni Garret o hindi ka pinagbigyang maka-score kagabi? *laughs*" pang-aasar niya.

"Heh!" suway ko naman at inirapan siya. "These past few days kasi parang iniiwasan niya ako eh. Ewan, baka busy lang talaga siya sa trabaho." pagkwekwento ko.

Hinampas naman niya ako.

"Aray! Mapanakit ka talaga." nakasimangot na sabi ko.

Tumawa naman siya.

"OA ka kasi, beshy. Diba ganyan naman talaga siya kapag busy sa work? Ikaw ba naman maging Supervisor sa construction site." pagpapagaan niya sa loob ko.

Tumango-tango naman ako. Electrical Engineer kasi si Garret at isa siyang Supervisor. Meron silang ginagawang building ngayon sa Laguna.

"Sabagay." sang-ayon ko.

"Tsaka ano bang pinag-aalala mo? Umuuwi naman siya sa 'yo diba? Or baka naman may hindi ka pa nasasabi sa kanya?" - Mizy

Napaiwas naman ako ng tingin.

"Ay gaga! So meron nga? Haynako, Estelle ah, ang sarap mong sabunutan!" inis na sabi niya sa 'kin. 

Napabuntong-hininga naman ako.

"Hindi ko alam kung saan sisimulan eh." sabi ko. "'Paano kung magalit siya? Hindi siya maniwala? O di kaya, mawala na naman siya sa 'kin? Alam mo kung anong naranasan ko para lang makapunta ako sa kung nasaan ako ngayon." dagdag ko.

Bumuntong-hininga naman siya at may simpatyang tinapik ako sa balikat.

"Alam mo beshy, walang sikretong hindi nabubunyag. Kung ako sa 'yo, hangga't may oras ka pa, sabihin mo na. Mamaya niyan hindi mo namamalayan eh naunahan ka na pala niya sa pagtuklas sa katotohanan. Mas lalong mahihirapan siyang mapatawad ka, if ever, unless eh babalewalain niya yun dahil mahal ka naman niya." mahaba-habang pangaral niya.

Tumango naman ako. 

"Haynako, kumain na nga lang tayo!" sabi niya at kinuha ang isang box ng pizza, isang 1.5L na coke, at lasagna sa table.

"Lumabas ka ba?" nagtatakang tanong ko.

Umupo siya sa upuan sa harapan ko.

"Gaga! Pinadeliver ko 'to at dumating kanina. Hindi mo napansin dahil tulala ka." sabi naman niya.

Inirapan ko na lang siya. Hindi na siguro matatanggal sa kanya yung expression niyang yun. Paano ko ba 'to naging kaibigan? Nang ibigay niya sa 'kin ang share ko ay nagsimula na kaming kumain. Tinignan ko ang cellphone ko and hoping na baka may text na siya pero lagpas alas dose na eh wala pa rin. Sobrang busy ba talaga niya sa site na kahit 'eat well' lang ay hindi niya magawang i-message?

"Papangit lasa ng pagkain kapag nakasimangot kang kumakain." - Mizy

"Shut up ka na lang, Mizy. Kailan pala bibisita ang kapatid mo rito?" - ako

"Baka sa Saturday. Bakit? Magpapakain ka ba? *laughs*" sabi niya.

"Pwede naman. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakita eh." sabi ko naman.

Last time I saw her brother was four years ago. Tatlong taon rin kasi ako sa California bago ako nakabalik ulit dito. Magsasalita sana ulit ako pero tumunog yung wind chime sa pintuan, indicating na may pumasok.

"Ano po yun sir --- Bun!" gulat na sabi ko.

Ngumiti naman siya at itinaas ang dala-dala niyang take out galing McDonald's. Humalik siya sa pisngi ko. Bakit hindi sa labi?

"I thought hindi pa kayo kumakain but it seemed like I was wrong." sabi niya.

May kung anong pasaring sa tono niya pero hindi ko na lang pinansin.

"Ano ka ba, Garret! Syempre kakainin pa rin namin yan ni beshy! Halika rito, makisabay ka na sa 'min." sabi naman ni Mizy.

"Oo nga, bun. Come here, sabayan mo na kami." sabi ko.

"Aight." sagot niya.

Nang tumabi siya sa 'kin ay napatingin ako bigla sa kanya.

"Why do I smell a woman's perfume on you?" walang emosyong tanong ko.

I saw him stiffened bago tumingin sa 'kin.

"Hiniram ko yung perfume ng ka-work ko, naiwan ko kasi sa bahay yung akin." sagot niya.

Nagkatinginan naman kami ni Mizy. 

"Ok." tanging sagot ko.

Gusto ko mang magalit, hindi ko magawa. What if totoo naman talaga ang sinasabi niya? Hindi tulad ko na ang daming nililihim sa kanya. We ate in silence; tanging tunog lamang ng kubyertos ang maririnig. Nakakabingi.

"How's your project?" tanong ko para putulin ang katahimikan.

"Malapit nang matapos. Nga pala, I'll be having a conference sa San Juan, La Union bukas. Do you want to come?" - Garret

Nagtaka man dahil usually ay hindi na niya ako tinatanong sa mga ganyan, kundi given nang isasama niya ako, ay hindi ko na tinanong at tumango na lang. There's really something about him these past few days.

"Aight. I-ready mo na lang yung mga dadalhin mo mamayang gabi. Nakapag-empake na kasi ako kahapon pa." sabi niya.

Tumango na lang ako kahit na medyo nalungkot ako dahil sa sinabi niya. Dati-rati, dalawa kaming nag-eempake sa mga dadalhin namin. Anong nagbago? May problema ba kaming hindi ko alam? Hindi kaya...

"No, hindi naman siguro." bulong ko.

"May sinasabi ka?" baling naman niya sa 'kin.

Umiling naman ako.

"Pwede ba akong sumama? Maghahunting lang ako ng lalake. *laughs*" singit ni Mizy.

Napailing na lang ako.

"Sumbong nga kita kay Chad." suway ko naman sa kanya.

"Hindi naman niya alam! *laughs* Unless sabihin niyo." pilyong sagot niya.

Garret chuckled.

"Ganyan ba kayong mga babae? Porke hindi malalaman, hindi na sasabihin?" patuyang sabi niya.

Napatingin naman kami sa kanya pero patuloy lang siya sa pagsubo.

"Uh oh." bulong ni Mizy.

Hindi ko naman maiwasang hindi mabahala sa tinuran niya.

He's definitely hiding something from me.

_---_

TRUTH BETWEEN THE LIES (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon