Chapter 6

1 0 0
                                    

-6-

Garret's P.O.V

"What the fuck?!" sigaw ko at tinignan ang bumato sa ulo ko ng unan.

"Get up, dude." tanging sabi lang ni Lucas.

"Fuck you, man. Natutulog yung tao eh!" sigaw ko naman at hindi siya sinunod.

"Gusto mo bang makita ang mag-ina mo o hindi?" - Lucas

Napabalikwas naman ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.

"What did you just say?" ulit ko.

"Pupuntahan natin ang mag-ina mo kaya mag-ayos ka na riyan." sabi niya at lumabas na.

"Fuck." bulong ko at nagmamadaling pumunta sa bathroom.

After 30 minutes ay natapos na rin ako. Nang lumabas ako ng kwarto ay nakita kong nanunuod sina Lucas at Estela sa sala.

"Sasama ka rin?" tanong ko kay Estela.

"Oo, bakit bawal?" pagtataray niya.

Narinig ko namang tumawa si Lucas sa tinuran ng asawa niya. Yes, they're married at matagal na pala. Hindi na ako nagtanong ng detalye nang malaman ko dahil wala naman akong pakialam sa kanila. What I care about right now is getting my family back. 

"Tsk. Tara na." tanging sagot ko lang at nauna nang lumabas sa kanila.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Lucas dahil yun na lang daw ang gagamitin namin papuntang airport. Malayo kasi kung kotse ang gagamitin namin, aabot kami ng mahigit 13 hours sa biyahe. Tska nakabili na rin daw sila ng plane ticket eh sayang naman kung hindi namin gagamitin.

"How'd you find her?" tanong ko sa kanila.

"Tinext ako ni Mizy, naaawa na raw siya sa mag-ina mo." sagot naman ni Estela.

"Matagal na pala niyang alam pero ngayon lang niya sinabi? Isa pa, saan ba sila ngayon?" naiinis na tanong ko.

All along, kasama lang pala niya siya. I've been looking for her ever since nang malaman ko ang katotohanan kay Estela. I can't help but be angry.

"Nasa Camarines Sur sila, sa probinsya ni Mizy. You can't blame her, siguro humingi rin sa kanya ng tulong si Estelle. Huwag ka nang magalit diyan, may kasalanan ka rin naman. Deserve mo rin namang maghanap at maghabol." - Estela

"I agree." sang-ayon naman ni Lucas.

"Tsk." tanging nasabi ko lang dahil alam kong tama naman sila.

Napabuntong-hininga naman ako. 

"I just hope that she will forgive me." sabi ko sa kanila.

"Don't worry too much. Just tell her how you really feel and ask for forgiveness. Alam kong miss ka na rin niya. Mahirap kayang magbuntis mag-isa." - Estella

Tumango na lang ako. Babawi ako sa kanya, sa kanila ng magiging anak namin. Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa airport. Pinakuha na lang ni Lucas ang sasakyan niya sa pinsan niya para iuwi. Wala namang naging aberya sa airport kaya mabilis lang kaming nakapasok. After 30 minutes ng paghihintay ay lumipad na ito.

"Ilang oras ang biyahe?" tanong ni Estela na nasa gitna namin ni Lucas.

"Mahigit one hour lang, love." - Lucas

"Ready ka na bang makita siya?" tanong naman ni Estela sa 'kin.

"I'm still worrying. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi niya ako mapatawad." I honestly answered.

"OA! Kung hindi ka kasi kalahating tanga edi meron pa siya sa 'yo." pagsusungit na naman niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Alam mo, mas maganda talaga ang ugali ng kambal mo. I was so stupid na hindi ko man lang yun napansin noong nagpapanggap kang siya." I rebutted.

Nginisihan lang niya ako.

"Masanay ka na, magiging sister-in-law mo na ako." - Estela

"Tsk." tanging sabi ko at ipinikit na lang ang mga mata ko para makapag-relax.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip dahil naramdaman ko na lang na ginigising na ako ng katabi ko.

"What?" iritadong tanong ko.

"We're here." sagot niya.

I looked around at totoo ngang nakalapag na ang eroplano. Hindi na kami nagdala ng mga gamit dahil ayon kay Estela ay ipinagbili na kami ni Mizy lingid sa kaalaman ni Estelle. Mga 10 minutes lang kami sa loob ng airport bago nakalabas. May nakaabang ng kotse para sunduin kami at ihatid kung nasaan sina Estelle at Mizy.

"Sino ang mapapangasawa ni Ate Est sa inyo?" tanong ni Jesse, ang pinsan ni Mizy na sumundo sa 'min.

"Me. Why?" tanong ko at tumingin sa kanya.

Katabi ko siya dito sa harapan habang ang mag-asawa ay nasa likod.

"Wala, kuya. Nice meeting you. Balak ko nga sanang ligawan si Ate Est kung tuluyang hindi ka na nagpakita eh." pang-aasar niya.

Nainis naman ako dahil sa sinabi niya. Anong pinagsasasabi niyang manliligaw eh mukhang 18 years old pa lang siya?

"What did you just say?" naniningkit ang mga matang tanong ko.

Tumawa naman siya.

"Biro lang, kuya. Gusto ko lang iparating sa 'yo na miss ka na raw ni Ate Est sabi ni Ate Mizy." - Jesse

Nawala naman ang inis ko dahil sa sinabi niya. I miss her too. Narinig ko namang tumawa ang mag-asawa kaya sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Andito na tayo." sabi ni Jesse.

Lumabas na kami sa kotse. Nakita namin si Mizy na naghihintay sa 'min sa porch ng bahay niya. Kumaway siya sa 'min at sinenyasan kaming lumapit na.

"Nasa loob siya." nakangising sabi niya sa 'kin.

"Tsk. Dito mo lang pala siya tinago, but thank you." sabi ko.

"Syempre, paghirapan mo naman ang best friend ko! *laughs* You're welcome. Sige na, puntahan mo na siya sa loob nang mabawas-bawasan naman ang pag-iyak niya. Nandun siya sa likuran, nagpapahangin." - Mizy

Tumango lang ako at pumasok na. Kinakabahan akong naglakad patungo sa likuran ng bahay niya kung saan makikita mo ang dagat. There, I saw her. Binuksan ko ang pinto palabas ng kusina kaya tumunog ang wind chime.

"Mizy, sabi --- Garret!" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Tipid akong ngumiti sa kanya. 

"I'm here, bun." sabi ko.

Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

And I wanted to wipe those away.

_---_




TRUTH BETWEEN THE LIES (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon