++ Yu Hwa's POV++
It's saturday today, walang class kaya naman eto, nakatambay ako sa isa naming café. I'm sitting beside the café window while reading a book when a staff approached me.
"Ms. Kim..." sabi nito at inilapag ang isang tasa ng kape sa table ko.
"Thank you." sabi ko sa kanya pero nanatili ito sa tabihan ko at parang may gustong sabihin sa akin. "Do you need anything?" tanong ko.
"Ahmm, ma'am, may problema po sa kitchen." agad kumunot ang noo ko.
"Bakit? Anong problema?" tanong ko.
"Yung baker po kasi, hindi po makakapasok kasi may sakit po yung anak n'ya." sabi nito, "Wala po tayong maiilabas na pastries, pati po may bisita din po ata mamaya."
I sighed and rub the temple of my head.
"Alright, I'll try to think of a solution." sabi ko sa kanya.
Tumango naman s'ya at tsaka bumalik sa counter, habang ako naman ay napasandal sa upuan.
Nahagip ng mata ko ang phone ko, at para naman akong nabuhayan ng dugo ng maalala ko si Yoon Ji.
"Please, wag ka sanang busy." I silently prayed while my phone is pressed in my ear.
"Hello? Yu Hwa-eonnie?" pagsagot ni Yoon Ji sa phone n'ya.
"Are you busy?" tanong ko.
"Hmm? Not really, bakit eonnie?" tanong n'ya.
"Can you help me here sa café. May problema sa kitchen."
"Baker?" sabi n'ya.
"Yeah."
"Okay."
"Ang plain ng sagot mo ha, labag ba sa loob mo?" tanong ko.
"No eonnie." sabi nito at tumawa, "may nakita kasi ako, nawalan ako ng gana." sabi n'ya.
"At ano naman yan?" tanong ko.
"I'll tell you pag dating ko d'yan." sabi n'ya.
"Oh sige, I'll text you which café and I'll see you later." sabi ko at tsaka ibinaba ang tawag, at agad na itinext yung branch ng café.
Hulog ka ng langit Yoon Ji.
Aside from dancing, cooking is her another passion. And I must say, kahit s'ya ang pinakabata sa amin, sobrang galing n'ya dito. Buhay na buhay si Yeo Jin kahit sila lang dalawa ang malimit naiiwan sa bahay. That's why I'm really thankful na pwede n'ya akong tulungan today.
- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -
"Eonnie!" bati ni Yoon Ji ng makarating ito sa café namin.
"Thank goodness, nakapunta ka." sabi ko at niyakap s'ya, "Thank you talaga."
"Sus, para namang hindi ko na 'to nagawa dati." sabi n'ya.
Oo nga pala, pag wala s'yang ginagawa pumupunta s'ya dun sa iba naming café at dun nagbabake. How could I forget?
"Buti na lang talaga at naalala kita." sabi ko sa kanya, "Ano nga pala yung nakita mo kanina." tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kusina.
"Ah, wala, picture lang."
"Nung crush mo?"
"Whatever." sabi n'ya. Ang taray lang ha.
BINABASA MO ANG
Colliding Worlds [BTS Fanfiction]
FanfictionKim Yuhwa was invited by her friends to watch a concert that will be held in the Philippines, but before the day of the concert, a Hi-Touch event was held for the avid fans of the group. Being born in a well-off family, they got the chance to join...