a/n: Christmas gift no. 3, Merry Christmas everyone, enjoy reading <3
- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -
++ Yu Hwa's POV ++
Sh*t! Sh*t! Sh*t! Ikalma mo ang puso mo Yu Hwa.
Agad kong itinulak palayo si Jin at napahawak ako sa lamesa para maalalayan ko ang sarili ko, pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko ngayon.
Napatunghay naman ako at nahuli ko si Yoon Ji na nakatingin sa akin pero agad s'yang umiwas at tumingin sa kaliwa n'ya kung nasaan si Jungkook.
He was looking at her kaya naman kumunot ang noo ni Yoon Ji, pero nginitian lamang s'ya ni Jungkook, kaya binigyan n'ya din ito ng isang ngiti.
Pati ba naman si Yoon Ji? Sandali lang ha, baka mamaya may lovelife na 'to, maunahan pa kaming tatlo.
Wag muna! Please! Baby pa si Yoon Ji!
Bigla naman s'yang kinulbit ni Suga kaya napalingon ito dito, napatingin din naman si Jungkook kay Suga dahil sa nangyari.
"Can I eat this?" tanong nito at itinaas ang isang plain na cupcake.
Bewildered by his question, Yoon Ji just gave him a nod.
"Okay, thanks." at tsaka binalatan ni Suga yung cupcake at kinain iyon bago umalis sa tabi ni Yoon Ji at maupo sa isang stool doon.
Nagkatinginan naman si Jungkook at Yoon Ji, at sabay silang natawa dahil sa nangyari.
"Finally!" napalingon kami kay Seul Bi.
"It's finished!" sabi naman ni Taehyung.
Seriously? Ang dami ng nagaganap dito, yung dalawa, masyado pa ring focused sa strawberry themed cupcakes nila?!
Proud na proud naman nilang itinaas yung dalawang cupcakes na gawa nilang dalawa. Seul Bi took out her phone at tsaka sila nagpicture na dalawa.
I'm guessing, bati na sila. Buti pa sila.
Finally able to control my heartbeat, nilingon ko yung katabi ko and I noticed that he was holding his chest.
"Are you okay?" tanong ko dito at hinawakan s'ya sa balikat.
Nagulat naman ito at tsaka lumayo sa akin.
Wow, ngayon lumalayo na s'ya? Buti naman kung ganun.
"S-sorry." sabi n'ya at tsaka s'ya lumipat ng tayo.
Pinuntahan n'ya sina Seul Bi na mukha namang walang ideya sa nangyayari sa paligid. Magbestfriend nga, parehas may sariling mundo kung minsan.
"It's really hard to decorate cupcakes." sabi naman ni J-Hope. "Mukha ba 'tong matinong design ng cupcake?!" reklamo nito.
"Yah! Eh di sana tinulungan mo ako!" reklamo naman ni Rap Mon.
I rolled my eyes due to the chaos inside the kitchen. Bakit nga ba nandito pa 'tong mga 'to? Tapos na naman yung schedule nila ah.
Tiningnan ko sina Yeo Jin at Jimin na buti naman at nakatayo na dun.
"Eonnie!" nilapitan naman ni Yoon Ji si Yeo Jin at tsaka hinila ito sa may lababo para maghilamos, habang si Jimin naman ay nakatayo lamang dun at naghihintay ng turn n'ya.
Yoon Ji-eomma mode nanaman s'ya.
Sometimes, iniisip ko talaga kung sino ang mas matanda kina Yoon Ji at Yeo Jin.
BINABASA MO ANG
Colliding Worlds [BTS Fanfiction]
FanfictionKim Yuhwa was invited by her friends to watch a concert that will be held in the Philippines, but before the day of the concert, a Hi-Touch event was held for the avid fans of the group. Being born in a well-off family, they got the chance to join...