Chapter 12 'Ready'

3 0 0
                                    


*


Time Check. It's already 9AM and here I am in my bathroom. Maaga akong nagising dahil sa alarm ng phone. As I expected sakto lang ang pag gising ko dahil nangatok na sa aking kwarto si Felicidad at Stella kasama ang mga alipores niya.

Ayoko man sa desisyon nila ay wala akong nagawa. Isang oras ba naman akong papaliguan! At sila ang mag papaligo sakin! Parang napapanood ko lang dati iyon sa mga Korean drama , ngayon ay nang yayari na sa akin.

"Ngayon ay tatllongpung minuto kang mag bababad sa purong gatas na ito. Ang gatas na ito ay nanggaling pa sa Kaharian ng Lorsis kung saan ang mga hayop ay espesyal din." Saad ni Felicidad habang sumasalook ng gatas sa kanyang palad at ibinubuhos sa aking balikat , minamasahe nadin niya ako.

"Wow... magaling pala kayo mag masahe. " nakangiti kong bati.

"Ganyan din ang sinabi ng Ate beth mo ng ako ang mag paligo sa kanya sa araw ng kasal niya." natatawa niyang sambit. "Ang mga kuya mo nga ay gusto din mag pa masahe dahil iniinggit sila ng ate mo."

"Talaga? bakit bawal mo ba sila imasahe?"

Umiling ito. "Inatasan ako ng iyong Ama na sa mga anak niyang prinsesa lamang ako mag sisilbi dahil ang mga Prinsipe niya ay  ayaw niyang bine-Baby." 

hindi ko maiwasang matawa sa kanyang sinabi. My father is over protective daw kay Ate Beth, pero sa isa ko pang ate ay hindi daw ito umubra . Kung napapansin niyo ay wala siya dito iyon ay dahil nasa malayong lugar siya. Hindi ko nadin tinanong kung anong itsura or anong dahilan bakit umalis siya dito.

Mga ilang minuto pa ay lumabas muna sila Felicidad dahil may sasabihin atang instruction si Stella sa kanila. Natira akong mag isa dito kaya agad ako ng pumikit at umidlip muna saglit.

I still have 20 minutes so I think it's fine if I can take a nap.

*

Limang segundo palang akong nakapikit ay parang may humila sa aking paa dahilan para lumubog ako sa purong gatas. Agad akong umahon at nag habol ng pag hinga dahil sa gulat. Nang aking idilat ang aking mata ay madilim na ang  kapaligiran ko.

Wala akong makita kundi purong itim lamang. Inangat ko ang aking kamay at pinakiramdaman ito. Akala ko ay nasa panaginip ako ngunit hindi . Ramdam ko pa din ang maligamgam na purong gatas na binababaran ko.

Nakaramdam ako ng may papalapit sa aking likod. Kahit na wala akong suot na kahit ano ay agad akong tumayo at humarap sa aking likod para protektahan ang sarili.

Nagulat ako ng makita ang Asul na apoy na lumalapit sakin at Hugis Paru-paro padin ito. Nakahinga naman ako ng maluwag at inangat ko ang aking kamay upang dumapo ito sa aking daliri. 

Mabilis itong dumapo ngunit  tila ay tumagos ito sakin. Hinanap ko siya kung saan siya napunta ngunit diko na ito nakita hanggang sa may kakaiba akong naramdaman.

"A-aah....." Napahawak ako sa dibdib ng makaramdaman ng paninikip at pananakit.

Mainit.Masakit. 

Sa sobrang sakit ay mabilis na nag luha ang aking mata. Agad akong napa luhod at sinubukang ilublob ang katawan sa gatas para maibsan ang init na nararamdaman ko ngunit walang nang yari. Bawat segundo ay maslalong lumalala.

"F-fuck!...Shit!!! ahhhh! H-HELP..."  fuck! what the hell is happening to me!?

Walang tigil ang agos ng luha sa aking mata habang nakahawak ang kamay sa dibdib. Wala na akong ibang nasa isip kundi humingi ng tulong ngunit parang Mamamatay na ata ako dito..

Blue Fire FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon