Chapter 9

4 0 0
                                    


-

Mabilis na lumipas ang oras sa mundong ito. Hindi ko namalayan ay bukas na ang matagal nilang inaantay na pag diriwang. Kaarawan pala ng aming Ama bukas at ika-Limampung Taon na niya bukas, Ang mga naninirahan daw sa mundong ito ay umaabot ng daan o libong taon pa ang buhay. Bukas nadin nila napag desisyunan na ipa-kilala na ako sa kaharian ng Romensux. 

Sa ngayon ay kakatapos lang namin ni Felecidad sa pag-aaral. Tulad ng sinabi ni Hanz ng itinakas niya ako palabas ay tinotoo niya talagang kaylangan kong pag-aralan ang mga bagay-bagay dito sa mundo nila.

Halos tatlong linggo ata akong nakakulong sa library at kwarto kasama si Felicidad. Grabe, I tell you, daig ko pang nag review para sa Bar exam. Tatlong linggo lamang ang ibinigay na oras ni Ama sa amin dahil nga ay kailangan na daw akong ipakilala sa madaling panahon. 

"Mahal na Prinsesa, nakinig ka ba? Tapos na tayo." nabalik ako sa katinuan ng biglang pukawin ni Felicidad ang atensyon ko.

I almost close my eyes and sleep in her unbelievable class. "I can't take this anymore.Thank God natapos na natin to. Ano nga po pala ang sinasabi mo?" nakanguso kong saad.

Tumawa naman ito ng bahagya at nag simula na siyang iligpit ang kanyang mga libro gamit ang kanyang mahika. "Ang sabi ko ay napaka dali lang ng kasaysayan natin diba?"

Nakapalungbaba ako sa ibabaw ng lamesa habang nakanguso. "hmmm. Para sakin ay madali nga lang pero napaka-ikli lamang ng araw na ibinigay ni Ama, kaya pakiramdam ko sasabog utak ko! HAHAHA." 

"Pasensya na iha , ganoon talaga. Sa edad mo ngayon ay wala ng tatanggap sa iyo na paaralan dito, tanging ako na lamang ang maaaring mag turo sa iyo. Pero kung may mga bagay na hindi mo naiintindihan ay wag kang mahiyang lumapit sa akin." tumango ako sa kanya. "Ikaw ang pangalawa kong estudyante Reyl at masasabi kong mag kapatid talaga kayo ni Beth, madali kayong matuto at marunong makinig."

"Wow, sa inyo ko lang narinig ang bagay nayan. Simula elementary hanggang College ay never akong pinuri ng Prof ko hahaha! Ni hindi nga ako nakasali sa with Honor eh." saad ko pa habang inaalala ang nakaraan.

"Totoo ba? haha" tumawa pa ito ng bahagya at biglang umupo sa katapat ko. Ngayon ay mag kaharap na muli kami at mukhang may sasabihin ito.  "Mahal na Prinsesa, huwag mo sanang masamain ang aking sasabihin. Isa nadin ito sa hinabilin sa akin ng Mahal na Hari(My Dad) na satingin namin ay mas'makakabuti sayo. Sana ay maintindihan mo, hindi lahat ng uri dito ay marunong mag ingles o nakakalabas sa mundo ng mga tao. May malalim na sugat ang lahi ng mga bampira at ang mga imortal na tao  ..." natahimik ako sa kanyang sinabi.Hindi pa niya natatapos ang nais niyang sabihin ay naiintindihan ko na ito. "Gusto ng iyong Ama na huwag ka muna mag banggit ng mga karanasan mo sa mundo ng tao. Mag ingat ka sa mga makakausap mo , mapa-bampira man o lobo. Huwag mong ipaalam na sa mundo ng mga tao ka lumaki, I'm sorry Prnicess Reyl, alam kong hindi madali iyon sayo pero you must try to keep you safe and your family. Hanggat maaari ay masmabuting walang makaalam na sa mundo ng mga tao ka lumaki." hinawakan pa nito ang aking kamay na akala mo'y nag mamakaawa.

"B-Bakit--" hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng makita ko ang imahe sa mata ni Felicidad.

I saw an armed group and they are wearing a familiar uniform which is I know it's from a Human world. Kitang-kita ko na may  nakahigang bampirang lalake sa harap nila at pina-palibutan nila ito habang nakatutok ang mga nguso ng iba't ibang klaseng baril sa bampira. 

Hindi ako makapaniwala ng makitang umiiyak ito at tila may sinasabi sa mga sundalo. Ngunit Hindi siya pinakinggan ng mga ito . Tinutok ng isa ang nguso ng kaniyang baril sa dibdib nito at walang awang pinutok ang baril.

Blue Fire FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon