Chapter 3.'Escape'

6 3 0
                                    


*

A-ano to? A-ano tong nararamdaman ko? Mainit.... kakaibang init ang nararamdaman ko... Parang may dumadaloy sa lalamunan ko na likido at pati nadin sa aking mga ugat, habang bumibilis ang pag tibok ng dibdib ko na akala mo'y may hinahabol ito/

"Hindi sya maaaring mag tagal dito alam mo yan Eren." Kaninong boses iyon?

"Alam ko mahal na Hari... pero wala na akong maisip na ibang paraan dahil hindi nadin sya aabot sa ospital na buhay kung itatakbo ko sya doon. Patawad Mahal na Hari." boses ni Eren yon...
"Kahit na alam kong mas delikado  sya dito ay alam kong mas kaylangan nyang magamot sa mundong ito Mahal na Hari. Kaylangan nya ng pamilya ngayon."

"Eren...."

"She needs her Family right now. Sa sitwasyon niya ngayon ay walang kasiguraduhan na mabubuhay siya sa kabilang mundo, masyadong kritikal ang lagay niya at tanging kayo lamang ang makakatulong sa kanya.Kung alam niyolang ang lahat ng pinag daanan niya sa kabilang mundo..."

Pahina ng pahina ang boses ni Eren sa aking pandinig habang nag sasalita ito hanggang sa unti-unting hindi ko na ito narinig at nawalan na ng malay muli.


*

*

*

*

Unti-unti kong minulat ang aking mata. Agad akong bumangon dahil hindi pamilyar ang kwartong ito sakin.Nang mapansin kong may iba akong kasama ay agad akong naging agresibo.

"G-Gising kana!--" gulat itong napatayo at lumapit sa pwesto ko.Hahawakan na sana ako nito pero agad kong hinuli ang kanyang kamay at pinaikot ito. Kaya ngayon ay nasa likod na nya ako at maslalong hinihigpitan ang pag kakahawak dahil pumiglas pa ito.

"Nasan ako? Sino ka?" Halatang nagulat sya dahil hindi agad ito nakasagot. "Sumagot ka." tanong ko ulit sa babae.

"T-teka hindi ako masamang..." hindi ko sya pinansin at maslalong pinilipit ang balikat na sigurado akong sisigaw sya sa sakit.

"Aww." Pero yan lang ang sinambit nya.Woah Sino ba tong babaeng to?

Mag sasalita na sana ako ngunit nabulabog ang buong kwarto ng biglang bumukas ang pinto.

May isa, dalawa, tatlong makikisig na lalake na pumasok at ang huli ay hindi ko inaasahang makikita ko. Si Eren.

"The hell.." rinig kong sambit ng kulay pula ang buhok. Matangos ang ilong, matangkad at mapula ang labi or dahil lang sa maputla niyang balat?

"Ito ba ang tinutukoy mo Pinsan?" Kunot noo akong napatingin sa lalakeng mas matangkad sa kaninang nag salita. Matangos ang ilong din nito at matangkad. And of course maputla din.

"Hey Beth, Ayos ka lang ba dyan?" May halong pang asar na sabit naman ng may mahabang buhok na hanggang balikat.

Isa-isa ko silang tinitigan at di nga ako nag kakamali na mag kakahawig sila! Parehas din ng tangkad at laki! Ang mga mata ay parang may pinapahiwatig at talagang nakakalaglag ang kagwapuhan nila. Pare-parehas din silang mapuputla ang balat..

"Ayos lang, hindi ko akalaing ganto sya ka agresibo." Nilingon ko naman ang hawak kong babae pero nagulat ako ng hindi ko na pala siya hawak!

Pag kalingon ko'y kasama na sya ng tatlong lalake at ni Eren! What the fvck just happened!? P-papano sya nakawala sakin?

"Reyl.." mabilis na lumapit sakin si Eren. Hinawakan ako sa balikat at pinaupo sa kama. Papaanong nandito din sya? Nasaan ba kami? Are this people are good?

Blue Fire FangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon