Bago ako mag hanap ng bagong titirhan ay syempre dumaan muna ako sa school ko para kunin ang Toga na susuutin for Graduation, sa totoo lang pwede namang hindi na ako umattend sa araw nayon (hehehe sorry Uncle) nakausap ko nadin ang Prof ko about don pero kung sisipagin ako at si Eren ay syempre dadalo ako.
after ko sa school ay kumain muna ako sa mall, so far wala pa namang nang yayaring hindi maganda sa araw na ito..
Tahimik kong binabaybay ang malawak na highway. Around Cavite lang din pala ang bagsak ko, biglang tumawag kasi ang Kapatid ni Uncle Yoja at mukhang nakarating na sa kanya ang nang yari sa akin kagabi. May mansion pa pala si Uncle Yoja dito at naipangalan na sa akin ang titulo. Sa kanya nadin ipinag katiwala ni Uncle ang lahat ng maiiwan niya dahil tinatanggihan ko ang alok niya sa akin noong nabubuhay pa sya.
Ginabi nadin ako dahil naligaw'ligaw pa ako. The last time I check is it's already 6:30 pm.
Pinag patuloy ko ang pag da drive , medyo wala akong kasabay sa pag takbo kaya ginanahan akong bilisan ang pag mamaneho. Wala din naman akong nakikitang gusali o bahay dahil palayan ang gilid ng highway.
*Ring.... Ring... Ring....*
Agad kong kinabit ang earbuds ko sa kaliwa kong tenga bago sinagot ang tawag sa cellphone.
"Reyl where are you?"
"Oh Eren, miss mo na ako? Ikaw ha..." pambibiro.
Narinig kong nag mura ito ng malutong. "Sabihin mo na lang kung nasan ka?" Ooops. Mukhang masama timpla nya ngayon.
"Well, nag da-drive ako ngayon sa kahabaan ng highway, Uncle Yuji called me and tell the address where I should live from now on ." Sagot ko sa tanong nya.
"Shit! Wala ka bang nakikitang pwede hintuan mo dyan?" Ha? Ano nanaman tumatakbo sa utak nito?
"Duh Nasa highway nga diba? Puro bukid lang ang nakikita ko dito at gabi na nadin kaya bakit ako hihinto?"
Nag mura muli ito. "Teka ano bang nang yayari sayo?" Nag tatakang tanong ko. Ang weird nya kasi.
"Just focus in driving Reyl. Wag mong ibababa ang tawag ko, susundan kita kung nasan ka man. Please open your GPS." Tulad ng ginawa nya ay inabot ko agad ang cellphone ko na nasa dashboard.
Kaya ang isa ko lang kamay ang nasa manibela. Ini-unlock ko agad ito kaso may password pala ako.
Wala akong ibang naiisip kundi mga Mafias or Assasin nanaman. Siguro ay may nag hahanap nanaman siguro ng away ngayon.
"Hey. Eyes on the road." Biglang nag salita si Eren.
"Tss! Shut up." Inis kong saad at tinutok ang mata sa kalsada habang ang kamay ay patuloy na ini- slide ang pattern sa screen para ma unlock.
Pero puro mali.
"Ano na?"
"Agh! Just wait okay." Sa sobrang inis ay tinuon ko na ang mata ko sa screen at ini- unlock ng maayos .
Laking ngiti ko ng mag unlock na ito kaya agad ko ng binukas ang GPS. "Okay na--Oh my gosh!"
Nabitawan ko ang cellphone ko at mabilis na kinabig ang manibela para hindi matamaan ang taong nakatayo sa gitna ng kalsada ngunit huli na ang lahat.
Isang malakas na pag bangga ang nang yari. Halos diko na alam kung anong nang yari , ramdam ko ang pag ka wasak ng sasakyan ko...
Tumama kung saan saan ang ulo ko hanggang sa hindi na ako makarinig. Tanging matinis na tunog at masakit iyon sa tenga. Marami akong naramdamang tumatama at bumabaon saking katawan.