A/N: Sorry for super delayed update since I am really busy sa mga work loads a buhay. Also, hindi na din ako gaya ng dati na ang daming inspo about writing at nawawalan ako ng gana pati na utak ko. But, I will finish this story before June ends.
Salamat sa mga nag-abang ng story na ito. Pasensya po.
Sanguine
Mula sa sinag ng araw nagising ako sa malambot na kama na aking hinihigaan. Yakap ng puting kumot ang aking hubad na katawan, unti-unting bumalik sakin lahat ng ginawa namin. Sa kagustuhan kong tumayo ay nakadama ako ng pagkirot ng aking gitna. Tama nga sya, hindi biro ang haba at laki nito, lalo pa’t maugat pa talaga. Jusko! Hindi ko talaga inaasahan na ganon ang pakiramdam lalo na’t...
“Tama ng kakaisip, Sanguine. Ang manyak ng isip mo” kausap ko sa aking sarili.
Dahan-dahan kong kinuha ang kanyang bisig sa aking katawan. Masyadong mabigat kase ang kanyang kamay, lalo na yung mahahaba nyang darili na ginamit nya din sakin....
“Hoy! Maghunos dili ka nga self. Ang manyak mo talaga as in” maktol ko sa sarili.
Kinuha ko isa-isa ang aking mga damit at agad din na umalis bago pa magising si Sir. Alam ko sa sarili ko na mali ang aking ginawa at hindi talaga sya tama lalo na hindi dapat gayahin ng ibang babae. Nadala ako sa init ng aking katawan, hindi ko din naisip kong ano ang magiging kahinatnat ko.
Dalawang beses na itong nangyari samin at hindi naman ako bobo para hindi alam anong gusto nya sakin. Gusto nya ang katawan ko at hindi ako mismo. Masakit man pero yon naman talaga ang totoo.
Inayos ko na ang sarili hanggang sa nakaligo at nakapalit na din ako ng damit. Abala din si Claire sa kanyang pag-aasikaso sa kanyang pag-alala ulit, rinig ko kase kay Nay Ofelia kay mag-alala ito ulit sa kanyang master's degree. Bigla kong naisipan na tawagan si Lola, kamusta na kaya sya?
“Hello, La? Kamusta ho kayo dyan?” masayang bati ko sa kanya.
“Okay naman ako dito apo Nandito lagi si Benev at tinutulungan nya din ako sa ginagawa kong basahan” sabi nya.
“Mabuti naman po. Nga po pala, La. Baka umuwi din ako sa makawala” masayang saad ko.
“Talaga apo?”
“Opo, La. See you po. Ingat po kayo dyan. M-miss na din po kita” pigil na hindi ako maiyak.
“Sobrang miss na din kita apo. Mag ingat ka dyan. Pinagdadasal kita lagi” si Lola yung love language nya prayer.
“Salamat. La. Patayin ko na ang tawag, La ha? Magtatrabaho muna po ako”
“Sige sige apo. Ingat dyan”
“Bye bye po” at tuluyan kong pinatay ang tawag.
Tumungo ako sa garden para diligan ang mga halaman dito. Bukod sa paglilinis sa loob ng bahay mas gusto ko talagang maglagi dito dahil sa sariwang hangin at ambiance lalo na pag gusto kong mag-isip isip.
Anong oras na ay hindi ko pa din nakitang bumaba si Zac Lucifer Montereal sa kanyang kwarto. Naks! Full name ka boy? Kung isipin din kase alam kong katawan lang ang habol sakin ni Senyorito. Siguto nga pag nalaman ni Lola at Benev sabihan pa akong mababang uri ng kalapati.
“Why are you here?” narinig kong boses sa likod ko.
“Ay puting kalbo ang ulo!” sigaw ko.
Nabitawan ko din ang dala kong sprinkle dahil sa gulat. Oo na, ako na ang magugulatin. Nasa lahi na ata namin yung ganitong side eh.
“Syempre nagdidilig, ano pa ba?” pilosopo kong sagot sa kanya sabay kuha ng sprinkle sa damuhan.
“I need you Sanguine...” pabulong nyang sabi.