2

316 5 0
                                    

Ilang buwan na din ang pananatili ko sa mansyon, pero hanggang ngayon ay di ko pa nakikita yung aalagaan ko. Baka naman prank lang to saken o di kaya maid talaga ang trabaho ko dito.

Abala ako sa paglilinis ng mga picture frames. Inutusan kase ako ni Ma'am Ofelia kase medyo nagkakaroon na ng alikabok. Mala-greek god ang pamilyang to. Di ko alam kong isa ito sa mga kampon ni Adonis. Napa-awang naman ako sa isang picture frame na ubod ng ganda. Perfect na perfect talaga ang babae at mala-Hera ang kagandahan.

Kinuha ko iyon dahil sobrang na-aattract ako sakanya. Pero laking gulat ko nalang ng dumulas ito sa kamay ko.

*Oh sh#t!* Kaba at takot ang naramdaman ko.

Di ko alam kong anong gagawin ko. Pero bago ko pa linisin ang bubog ay rinig ko ang ingay sa labas. Si Claire, Ma'am Ofelia, Manong Roger at Joey ay tawang-tawa. Di ko rin alam kong sino ang kinakausap nila. Kaya minabuting kong madaliin ang paglilinis. Sa sobrang takot at nagkasugat-sugat na ako. Halos mawalan ako ng hininga sa narinig kong boses.

"Anong ginawa mo!" sigaw ng isang lalaki na ani mo'y maiihi ako sa takot.

Nanginig nadin ang katawan ko. Parang binuhusan ako ng mainit na tubig habang papalapit ang lalaki saken. Patay! Ito na siguro ang may-ari ng mansyong ito.

Nakayuko paden ako. Ni-isang ingay wala akong narinig. Halos mawalan nadin ako ng hininga dahil sa sitwasyong ito.

"WHAT DID YOU DO STUPID MAID!!!!"
sigaw ng boss ko.

Di ako makapagsalita man lang. Na-estatwa na din ako sa pwesto ko. D

"I SAID, WHAT DID YOU DO IDIOT!!!" nanginig na ako sa takot.

"P-pasensya n-n-na po Si-Sir. Di k-ko si-sinasadya..." napaiyak na ako.

"I DON'T WANT TO SEE YOUR FACE! NOW! LEAVE!!!"

Halos dumugo ang ilong ko sa pagkatulak niya. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako trinato na ganito. Nanginginig padin ako sa takot. Nakatingin lang sila saken. Halos walang isa ni gumalaw. Nagulat nalang ako ng may humawak sa aking braso at balak ako itayo.

"You okay?" tanong ng isang napakagandang babae.

Tumango lang ako sa sinabi niya kahit masakit ang tuhod at siko ko. Minabuti kong umalis nalang at pumunta sa kwarto ko. Balak ko na talagang umalis sa bahay na ito. Di ko akalain na ganito pala ka satanas ang lalaking amo ko. Oo, gwapo sya, mala-adonis kong tawagin. Pero ang ugali walang kasing sama. Mas binilisan ko ang pag-aayos ng aking mga gamit ng maka-rinig ako na bumukas ang pinto.

"Sanguine..." boses ito ni Ma'am Ofelia. Umupo sya sa kutson at mahinahong kinausap ako.

"Sanguine, alam kong di dapat ginawa iyon ni Lucifer sayo. Pasensya na at wala akong nagawa kanina. Sana ay maintindihan mo. Sadyang napaka halaga ang bagay na iyong binasag. Alam ko namang aksidente yong nangyari at wala kang kasalanan doon. Pasensya kana ulit at iyon ang inasal ni Lucifer sayo..."

So, Lucifer pala ang pangalan niya? Lintek lang talaga. Napaka-hudas! Kaya pala yon ang ugali, walang kasing sama.

"Okay lang po ako Ma'am Ofelia.."

"Nay Ofelia, yon ang gusto kong marinig mula sayo.."

"N-Nay Ofelia salamat po. Promise di na ako gagawa ng mga kalokohan pa." sabi ko naman habang pinagtutupi ang mga damit ko.

"At anong ginagawa mo?" tanong niya saken.

"Nagtutupi po ng mga gamit ko."

"Aalis ka?" tanong ulit saken ni Nay Ofelia.

Tycoon's Bed Sin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon