Note:
Sorry hiatus ako. Pero this time mag-uupdate na ako.Sanguine.
Muntik na talaga kanina yung kay Senyorito, buti napiligan ko. Di naman ako ganong babae para magpahawak. Kase, yung bawat galaw ng kamay niya kakaiba. Yung parang may powers si Senyorito. Nadadala ako sa init ng ginagawa niya.
"Bastos kana Maria Sanguine, nagiging hayok kana. Magpigil ka! Wag isuko ang berheng kabibe." pagsasalita ko sa aking sarili.
Bakit ba kase ganun nalang ang epekto sakin ni Senyorito. Kainis! Lumabas na ako ng kwarto upang maghanda ng umagahan. Late na akong nagising dahil sa kakaisip ng nangyari kagabi.
"Uy Maria Sanguine, kamusta ang pag de-daydreaming mo ha?" paghahamon sakin ni Claire habang may hawak pa itong sandok.
"A-ano wala n-naman Claire. Hahaha." Kahit na nauutal di ko nalang pinahalata at sinabayan ng tawa.
"Naku, naku inday Maria. Wag ako. Alam ko ang nangyari kagabi.." sabay kirot sa beywang ko.
"Aray ko! Bat ka naman nananakit ah?!" tinulungan ko na din sya maghain ng pagkain.
"Kase ang talalandi mong babae ka. So ano, meserep beh?" Ay gag* bat ganito si Claire. Kung sa masarap? Ubod ito, napaka at higit na meserep.
"Silent means yes daw yon. So totoo nga?" pangungulit nya pa saken.
Nararamdaman ko talaga ang pag-init ng dalawang pisngi ko, kaya yumuko ako para di niya mahalata.
"A-ah kase Claire, a-aksidente lang naman y-yon e." pagmamatuwid ko.
"Aminin muna kase na masarap si Senyorito. Namumula kana girl..." pangungulit niya pa saken.
"Aminin muna kase Maria..."
"Masarap si Senyorito no?"
"Matamis syang humalik? Torrid ba kayo o french kiss?..."
Ang kulit ni Claire. Gusto kong ipakain tong sandok na hawak ko sakanya.
"Oo na masarap si Senyorito! Di kami ng torrid kiss o french kiss. Greece kiss ginawa namin!" pasigaw kong sabi.
Napa-nganga lang si Claire sa sinabi ko. Kahit ako, lumamig ang buong katawan ko. Namanhid lahat ng katawan ko sa sinabi ko. Jusko! Lupang maitim, kunin nyo nalang ako. Ngayon na!
"Magandang umaga po Senyorito.." narinig kong bati ni Claire. Pero ako walang anong lumabas na boses sa bibig ko. Parang na semento yung katawan ko pati bibig ko.
Siniko ako bigla ni Claire at natauhan ako.
"Magsalita kana dyan. Nakatingin si Senyorito sayo..." bulong ni Claire.
"M-magandang umaga po S-senyorito.." mahinang sabi ko.
Umalis na kami ni Claire dahil di ko kayang makita si Senyorito. Baka ano pang itanong ni Claire saken at iba na naman masagot ko.
"Uy ikaw besh ha? Something fishy kayo ni Senyorito.." pangungulit ni Claire saken.
"Wala nga. Tange to. Bilisan mo na dyan baka pagalitan pa tayo dito. Puro ka kase chismis dyan.." habang patuloy sa paglilinis ng kusina.
"Oo na Maria.." ngiting sabi niya saken.
Itong babaeng to may saltik talaga. Alam nya kaseng naiinis ako pagtinawag akong Maria sa pangalan.
Naalala ko naman tuloy yung paghalik saken ni Senyorito kagabi. Paano kaya pag ano na? Alam mo yon. Yung makikita ko yung abs niya, yung gaano sya ka brusko na lalaki, yung sausa-
"Uy!" tangeng babae muntik ko nang mabitawan ang plato.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Meserep beh?" pangungulit ulit nya saken sabay kiliti sa kilid ko.
"Ano ka ba Claire baka isipin nila di tayo nagtatrabaho at chismis lang ang ginagawa natin" sabi ko naman habang naghuhugas.
Patapos na din kami ni Claire sa paglilinis ng kusina at siya naman agad ng linis ng banyo at ako sa living area. Alas-kwatro na din kami natapos dahil yung ibang kasama namin day-off. Si Nay Ofelia naman umuwi din sa probinsya nila dahil Araw ng mga Patay bukas. Balak din umuwi ni Claire sa kanila. Ako naman baka dito nalang muna sa mansion. Dito ko nalang ipagsisindi si Lola.
"Balik ka kaagad ha?"
"Bruha to. Babalik agad ako. Uuwi lang ako samin. Tsaka 1 week lang naman akong mawawala. Solohin mo si Senyorito. Alam muna, cuddle cuddle..." pag-aasar niya saken.
"Yang bibig mo talaga. Umalis kana baka wala kanang masakyan nyan. Anong oras na din." sabi ko
"Sge, see you to the soonest?"
"See you.. Ingat ka.." magdala ka ng lalaki mo. Pang-asar ko sakanya na syang kinusot ng mukha niya.
"Maghahanap ako ng CEO doon. Hintays kas langs Marias..."
"Abangans kos yans.. Ingat ka sa byahe." At agad niyakap sya.
Sinarado ko na ang gate at agad pumasok sa loob. Walang katao-tao man lang. Si Mang Roger at Joey nagpaalam na din kanina na uuwi sila. Nakakalungkot tuloy na walang mag-ingay dito sa mansyon.
Ang ganda netong mansyon, pero nakakabagot din. Mabuti pa doon samin, kahit maliit lang yung bahay natin sobrang masaya naman ang dulot. Di tulad dito, gusto mo nalang maiyak sa sobrang lungkot. Nakatingin lang ako sa larawan ni Senyorito. Ang gwapo talaga niya kahit suplado at masungit ito. Mas magiging gwapo to pag naka-ngiti. Kaso, parang immune na yata to sa pagiging masungit. Di ko man lang nakitang ngumiti to. Ang bitter sa buhay. Palibhasa walang love life to kaya nagiging andropause. Kung sa babae menopause, sa lalaki ito yon.
"Gwapo ka sana Zac Lucifer Montereal kaso suplado at masungit kang tao.." sabay haplos ng kanyang litrato.
"Gwapo ka sana Zac kong laging kang nakikipag-usap sa ibang tao. Alam mo yong tinatawag na socialize with other people? Yon yon Zac. Wag kang puro sungit o ano pa man. Gwapo ka e, hot ka na e, total package kana. Kaso yang ugali mo, sobrang nakaka-bwesit!" patuloy lang ako sa ginagawa ko. Di ko alam kong bakit kinakausap ko tong litrato niya. Di naman ako buang or ano. Medyo may saltik lang, slight. Haha.
"Alam mo Sir Zac, sa sobrang pagkasungit mo di ka makakapag-asawa niyan. Kaya dapat, bawasan muna yan. Dapat maging gentle ka sa babae, wag mong paiiyakin o paaasahin - kase feeling ko paasa ka e. Di ka naman mapanakit, pero parang ganun na -"
"And who told you to touch my things here!"
Halos mawalan ako ng hininga sa boses na yon. Akala ko umalis na sya kanina kass wala yung mazda niya sa labas.
"Ahhh k-kase S-senyorito a-ano.. u-uuhmm naglilinis ako. Oo, t-tama nag li-lilinis po ako" nanginginig na ako. Ayokong makita ang mukha niyang nangangain ng tao.
"Who give you a permission to touch my things?" pag-uulit yang tanong sakin. Imbernas, makasakit sa ulo ang english niya.
"S-senyorito I'm just c-cleaning t-this area. T-that's all." nakatawid kong sabi kahit putol-putol english ko.
"And what's that word you used on me?" rinig ko ang bawat yapak niya papunta saken. Ako naman, atras na atras habang nakapikit ang mata ko.
"Wala to Senyorito. Bal-an mo joker ko bay..." di ko maiwasang magsalita ng ibang lenggwahe. Feeling ko aatakihin ako sa puso.
"Hmmm..." yan lang ang narinig ko sakanya.
Ramdam ko ang lapit na niya sakin. Di ko magawang umatras pa kase wala na akong aatrasan pa. Hanggang sa ramdam ko ang hininga niya sa batok ko na siyang naging sanhi na tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. At mas lalo akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pagbitaw niya na salita.
"Maria... I want you.."
©penchang