Abala akong nag lilinis ng aking silid ng marinig kong may umaakyat ng hagdan habang sinasambit ang aking pangalan..
ghen... ghen... ang tawag ni inay habang kumakatok sa aking silid...
Sandali lng po inay. ang sagot ko naman habang itinutulak ko ang aparador na nakaharang sa pintuan.' bakit po? ang tanong ko ng mabuksan ko ang pintuan.
'' Ano bang ginagawa mo jan? balik tanong sakin ng aking inay. habang ang mata'y nakatingin sa loob ng aking silid.
ahh, nag lilinis po... maalikabok na din po ang mga kurtina kaya, balak ko na ding labhan kasabay ng mga uniporme ko. Bakit nyo nga po pala ako tinatawag?
'' ay! oo nga pala, tumawag kase c madam rose eh. Yong apo daw nya ay pupunta dito maya maya lang.
'' Napakunot ang noo ko sa sinabi ng inay...
Yon po bang apo nyang galing CANADA? naku eh, anong gagawin nun dito? hindi po nun makakaya dito satin kahit 30 mins lang.
Ay! hindi naman un mag tatagal dito, dadaanan ka lang.. magpapasama daw yatang mamasyal jan sa bayan. wika naman ng inay
''Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan naming mag ina. Sigurado akong alam nya sagot ko sa sinabi nya.
''Anak, samahan mo na sya. Isipin mo na lang na ginagawa mo iyon para kay madam Rose. Nakakahiya naman kong tatanggi tayo di ba?
Napakaliit lang na bagay ang hinihiling nya kumpara sa naitulong nya sa atin. sabi ng inay habang pinipisil ang aking mga kamay.Sa totoo lang wala akong karapatang tumangi... sa dami ng naitulog samin ni madam Rose, kahit na siguro habang buhay ko syang pag silbihan ay di pa sapat na kabayaran.
'' tango nalang ang naitugon ko...
Maliligo na po ako inay para handa na ako pag dating nya.
BINABASA MO ANG
E-2
RomanceH! guys, unang beses ko pa mag sulat ng kwento, sana ma enjoy nyo ang kahinatnan ng kwento.. 000000000000000 Laki sa hirap si Ghen.. Malaki ang utang na loob ng pamilya nya sa Pamilya De Santa Ana. Dahilan para gawin nya ang mga bagay na hindi bukal...