E-5

24 0 0
                                    

Pag katapos nga nang ilang minuto ay kabilang na kami sa mga taong nkaupo sa harap ng magagarang lamesa sa isang mamahaling restawran na iyon.

hinayaan ko na si camille na umorder ng mga pagkaing kakainin namin.
Wala din naman akong alam sa mga pag kain doon.

''Ghen, may gusto ka pa bang idagdag? tanong ni camille.

''Wala na.. okey na yon. sabi ko kasabay ng maikling ngiti.

'' Ibinaling na muli ni Camille ang paningin sa waitress na kanina pa nya kausap. Pagkaraan ng ilang sandali'y nag pasalamat ito at umalis.

Habang nag hihintay ay nag kapalitan pah kami ng tanungan ni camille.

15 mins ay dumating na ang mga order naming pag kain. Walang duda masasarap lahat ang mga iyon.

Nag matapos kami ay binaybay naman namin ang daan papunta sa isang salon.
Mukhang puro mayayaman lng ang may karapatang pumasok sa lugar na iyon.

Hindi ko alam kong ano pa ang ipapabago/ipapaayos ni camille, para sakin kz ay perpekto na ang kagandahan nya.

Pinaupo ako ng isa sa mga baklang nandoon sa utos na din ni Camille. paggandahin daw ako sabi pa nya habang pumupwesto na din sa upuang nasa bandang kaliwa.

Carry ko yan .Sagot naman ng bakla.

Sinimulan akong siyasatin ng Baklang nakatuka sa akin..

''Bakla, anu bang ginagawa ng mga kamay na ito at ganito ang itsura? Pabirong tanong ng Bakla sa akin..

'' Marami... seryosong sagot ko naman.

''Nahalata siguro nyang wala ako sa mood makipag usap kaya paminsan minsan na lang syang nag sasalita.

'' Infairness, maganda ka huh!. sabi nya ulit..

''Salamat.. sabi ko naman.

Inayos nya nga ang lahat ng sa tingin nya ay mali sa itsura ko.. ulo hanggang paa.

Ang buhok kong alon alon dahil sa kakapusod ay sumusunod na sa galaw ko ngayon.

'' Tadaaah... sabi ng bakla sabay ikot paharap kay Camille ng upuang kinauupuan ko.

''Wooow Girl , ang ganda mo . Tuwang sabi ni camille. Look at your self dali...

'' Nang tumingin ako sa salaming nasa harap ko ay nagulat din ako.
Pwede pala akong gumanda ng ganun. Ang kilay ko ay bumagay sa hugis ng aking mukha. Ang makipot kong labi ay lalong naporma ang hugis. Pati pala kuko ko sa paa ay hindi rin nakaligtas.

Saglit akong humanga sa repleksyon ko sa salamin.

Bigla ko tuloy naisip, Pwede bang isipin at sabihin ko sa sarili ko na mas maganda ako kay Camille Kahit ngayon lang?

E-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon