E-10

13 0 0
                                    

Hindi naging mahirap sa amin ang maging magkaibigan... lalo na't ang turing sa amin ni madam rose ay hindi na din iba.

Papunta ako ng library ng araw na iyon, doon nalang ako mag papalipas oras habang hinihintay ko ang pag tapos ng klase ni Camille.

Abala ako sa pag sagot sa assignment ko ng may isang rosas na puti ang itinabi sa kamay ko. Amoy na amoy ko ang ginamit na pabango ng may dala nun mula sa aking likuran. Pamiliar ang amoy na yon sigaw ng utak ko. San ko ba yon naamoy?

Nanatiling nakayuko ang ulo ko at hindi ko inabala ang sarili kong tingnan ang may ari ng amoy na yon, ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Ilang saglit pa'Y isang punpon na ng roses ang ibinaba sa harapan ko.

'For the sparkling and the brightest star in the universe. Sabi ng boses na iyon.

Napatingala ako sa nag abot ng bulaklak, at muntik nang lumaki ang mata ko ng mapagtanto ko kong sino yon.

Hello My Star. Sabi pa nya bago pa man ako makapagsalita.

Tumayo ako pero hindi ako nakapagsalita. Mataman ko syang tinitigan.

''Tititigan mo lang ba ako? hindi mo ba ako babatiin? kunwari'y nag tatampo nyang sabi.

Ikaw nga, Alexander Boromeo, ikaw ba talaga yan? Pasensya naman, hindi kita agad nakilala, ibang iba kase ang itsura mo ngayon.

Biglang tumunog ang bell malapit sa librarian, hudyat na napalakas ang boses ko.

Upo ka, pabulong kong sabi.

Doon tayo sa coffee shop para makapag kwentuhan tayo. suhestyon ni alex sa akin na agad ko namang sinang ayunan.

Pumunta nga kami sa coffee na iyon malapit sa aming skwelahan. Masaya kaming nagkabalitaan, at sa wakas ay nagkahingian na din ng cell number.

Doon na din pala sya mag aaral. At kursong pag aabogado naman ang kinukuha nya.

Nasa gitna kami ng paguusap at kasalukuyang paubos na ang kape naming inorder ng biglang tumunog ang bell, hudyat na labasan na rin ng ibang studyante.

E-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon