Ako Si GhelliaNe Ramos, Nasa pangalawang taon na ako sa kolehiyo sa kursong TOURISMo. Mahirap lang kami, ang mga magulang ko ay taga pangalaga at taga pangasiwa ng isang haciendang malapit dito sa amin. Ang Hacienda De Santaana.
Ang bahay namin na gawa sa kahoy ay may kalumaan na din... wala din kaming mga mamahaling mwebles sa bahay. Ang tanging meron kami ay isang electrifan at radyong debaterya na napanalunan ng nanay ko sa perya sa bayan.Tatlo kaming mag kakapatid. Si Kuya Roel ay may asawa na at tatlong anak. Si Aleila Naman ay nasa Elementarya pa lamang.
Bagamat hindi kasing alwan ng buhay ng iba ang buhay namin, Marahil hindi kami nakakakain sa mamahaling restawran tulad ng iba, Wala man kaming yamang sing halaga ng ginto, masasabi ko namang sagana kami sa pag mamahal.
'' Masaya kami kahit na noodles lng at sardinas ang salitang ulam namin...:)
Salamat sa Dios at binigyan nya ako ng sapat na katalinuhan at talento para makapag patuloy sa pag aral... skolar ako ng bayan namin.
salamat din dahil may madam rose na walang sawang tumutulong sa aming mag anak.
At heto nga 't kailangan kong gawin ang isang bagay na ayoko. dahil sa utang na loob na yon.
Hindi naman sa ipokreta ako pero talagang ayokong makihabubilo sa mga taong sosyal, dahil pariramdam koy wala akong karapatan.
sa pananamit, pananalita, paglalakad, at pag imbay ng kamay , ay makikilala mo na ang mga anak mayaman at kabilang sa alta. yong iba'y akala moy nakalutang at hindi umaapak sa lupa.
BINABASA MO ANG
E-2
RomanceH! guys, unang beses ko pa mag sulat ng kwento, sana ma enjoy nyo ang kahinatnan ng kwento.. 000000000000000 Laki sa hirap si Ghen.. Malaki ang utang na loob ng pamilya nya sa Pamilya De Santa Ana. Dahilan para gawin nya ang mga bagay na hindi bukal...