E-6

34 0 0
                                    

Hindi pa nasiyahan si camille, Pag katapos noo'y pumunta naman kami sa isang Mall at hinanapan nya ako ng damit na naaayon sa aking ayos.

Isang Black dress at isang silver color na sandals ang napag disisyonan naming bilhin. At para maging kompleto, binili na din namin ang HAndbag na silver color din.

Pag katapos nun ay para ba akong nasaniban ng ibang pagkatao.
Ibang-iba, malayong malalayo sa totoong ako.
''Sopistikada, Maganda, May dating at ngayo'y kahit ihilera nyo ako sa isang napakagandang babae tulad ni Camille, Ay aakalain mong isa din talaga ako sa kanila.

''Alam mo Ghen, napaka ganda mo ngayong gabi. Masayang sabi ni Camille habang nagmamaneho sya papunta na sa Birthday Party ng isa sa mga kaibigan nya.

Maraming salamat. Kung hindi dahil sayo, hindi magiging posible ang lahat ng ito.

Ano ka ba, okey lang yon. Pasalamat nga ako at sinamahan mo ako samantalang hindi naman tayo ganun pa magkakilala.

Patlang.

Pinilit kong gumalaw nang naaayon sa itsura, sa lugar , at sa okasyon na iyon.
Napaka hirap pala.
Ang mga tao sa Birthday Party na iyon, sa tingin ko ay takot makagawa ng kamalian.

Sa kabilang banda, Pasalamat na din ako kay Camille dahil pinaayusan nya ako. Dahil kong hindi, Baka hindi ako papasukin Kahit sa gate pa lamang.

Narating na nga namin ang pinaka venue. Nakita at nakilala ko din ang nag bibirthday. Mukha namang mabait.

Tatlong oras na kami dito . At Masakit na din ang paa at hita ko dahil sa sandals na suot ko.

Masaya pang nakikipag usap si Camille sa mga kaibigan nya. Paminsan Minsan ay kinakausap nila ako.

Tumayo ako at nagpaalam kay Camille At sa mga kaibigan nya. Pumayag naman sila.
Puro business naman ang pinag uusapan nila kaya minabuti kong mag lakad lakad muna.

Dinala ako ng Mga paa ko sa Rooftop ng hotel na iyon.
Malakas ang hangin at napakaganda ng gabi. Ang buwan at mga bituin ay sapat na para magliwanag ang kalangitan.

''May nakita akong upuan malayo sa kinatatayuan ko..Parang ayoko na ding humakbang sa sakit ng paa ko.

Paika ika pa din akong nag lalakad papunta sa upuan para makapag pahinga. Ngunit Bigla akong pinulikat .

Araaay...malakas na daing ko. Bago pa man ako bumagsak ay may mga pares na ng matitipunong braso ang sumagip sa akin.

E-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon