"Uy, may laro ang STEM tara nood tayo?" I heard Sabella said."Sus papanoorin mo lang bebe mo!" Sagot ni Sereia.
Bella just laughed at her at pumunta na sa may bintana para manood. Sinundan ko lang sila at nanood na rin. Masyadong malayo ang pwesto namin dahil nasa third floor kami.
"Lipat tayo hindi ko makita kabilang side!" Sabi ulit ni Bella.
Lumipat kami sa kabilang side kung saan mas kita na ang buong court, pero nasa third floor pa rin kami. Mas okay na ito dahil mas madaming tao sa first floor at second floor.
Dikit ang laban first set pa lang at nag aagawan ng puntos ang dalawang team. STEM versus ABM. Lamang ang ABM ng isang puntos lang. Nasa STEM ang bola at ang boyfriend ni Bella ang mag se-serve.
"Hoy bebe mo mag se-serve, cheer mo naman!" Saad ni Reia.
"Go, Millanes! Go, STEM!" Napatingin kami sa kabilang side dahil sinigaw nila ang surname ng boyfriend nitong si Bella.
"Ano mag papatalo ka ba?" Bulong ni Reia na tanging kaming tatlo lang ang nakakarinig.
Nag serve na ang boyfriend ni Bella at tumama ito sa walang tao kaya nakapuntos sila. Kaya tie na ang score. Nag serve ulit kaya tinapik na ni Reia si Bella para sumigaw na.
"Go, Millanes!" Malakas ang pagkakasigaw ni Bella dahilan para tumingin ang players sa kinatatayuan namin.
Nag serve na ulit at na receive naman ng kalaban. Nanood lang kami hanggang sa matapos ang set one at nanalo ang STEM.
"Sa monday agahan natin may laro sila!" Saad ni Reia.
Set two started and they changed court. Lamang ang ABM, may mga inalis at may mga pinasok. One guy caught my attention. Lahat kasi ng spike ng kalaban nasasambot niya.
"Ang galing nung number 16," Saad ko sakanila.
"Diba! Crush mo? Well, pogi naman!" Sabi ni Reia. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Nagagalingan lang ako.
Sa set two siya lang ang tinitgnan ko kapag may nag spike sa kalaban. Nasa side na namin sila kaya hindi namin makita ang mukha nila. Katulad sa set one nag aagawan lang sila ng puntos. Kapag makakapuntos ang STEM makakapuntos naman ang ABM.
Naging intense ang laban noong naunang naka twenty points ang ABM ang STEM naman ay seventeen points pa lang.
"Go STEM! Go ABM!" Rinig ko sa mga nanonood.
"'Yung sa cheer natin!" Sambit ni Bella.
"Oy! Ang STEM matapang! Lalaban! Oy! Ang STEM matapang! Lalaban! Lalaban kami! Matatapang kami! Lalaban kami! Matatapang kami! Lalaban kami! Matatapang kami! Lalaban kami! Matatapang kami!" Sigaw naming tatlo, dahilan para sumabay na rin ang ibang STEM students.
Tumingin sa itaas ang mga players at nakita kong tumingin si number 16 sa kung saan kami!
"Tangina niyo nakakahiya," Sabi ko.
"Gago nakatingin dito, pati yung sinasabi mong 16!" Sambit ni Reia.
"Crush mo si Claveria?" Tanong naman ni Bella.
"Huy hindi, nagagalingan lang." Sagot ko.
"Ganon na din 'yun! Wooho may crush ka na rin tangina ka!" Nag celebrate ata 'tong dalawa dahil may crush na ako.
Nanood lang kami hanggang sa nanalo na nga ang STEM. May laro pa ng volleyball ang STEM pero girls naman. Nag handshake na ang dalawang team at umalis na sa court.
Nagulat ako ng katabi na pala ni Bella itong boyfriend niya. Magiging third wheel na naman kami ni Reia nito. Si Bella lang ang may boyfriend sa aming tatlo.
Napag-desisyunan namin na umakyat na sa room. Mabuti nga at bukas dahil foundation week ngayon, dapat walang bukas na room.
"Anong oras 'yung papanoorin natin?" Tanong ko. Bago kasi kami manood ng volleyball ay bumili muna kami ng tickets para sa panonoorin namin. Puro horror movies ang showing ngayon kaya nanood na kami.
"Eleven thirty pa, anong oras na ba?" Sambit ni Sabella.
"Ten pa lang." Sagot ko.
Binuksan ko na ang pintuan para makapasok kami sa room. Pumunta kami sa bakanteng upuan na walang nakaupo. As usual nasa gitna si Reia at nasa magkabilang side kami ni Bella.
Ilang saglit pa ay nag aya na si Reia na kumain dahil hanggang one kami sa cinema. Bumaba na kami papunta sa canteen para bumili ng lunch. Ten pa lang kaya early lunch 'to.
Bumili kami ng chicken fillet at bumalik na sa room namin. Sa room ay may dalawang section, ang nasa loob. Kaya medyo dumami ang naroon. Pumunta kami sa upuan namin kanina at doon kumain ng lunch.
Nag kwentuhan lang kami habang nakain hanggang sa napunta ang usapan kay Claveria.
"Ma stalk ko nga!" Sabi ni Reia. Kinuha niya ang cellphone niya at pumunta sa facebook. "Ismael Keinoa pala!" Nagulat ako ng sabihin niya iyon. Ang bilis naman!
"May featured oh," Sabi naman ni Bella. Mabuti naman at wala na si Renzo, sa tabi ni Bella. Kung hindi alam ko na ang susunod! Alam na ni Ismael.
Pinakita sakin ni Bella ang featured, nakatapat ang cellphone niya sa salamin at nag mirror shot. Grabe naman 'tong mga kaibigan ko, ang bilis mang stalk!
In fairness pogi nga niya.
"Grabe nga 'yon, pogi na nga magaling pa mag volleyball!" Sabi ni Reia.
"Lovable nga naman," Sambit pa ni Bella.
Hinayaan ko na lang sila hanggang sa malapit na mag eleven thirty. Pumunta na kami sa basement at pumunta sa cinema. Nakita naming madaming tao sa labas, mabuti na lang at nakabili na kami ng tickets.
Pumila na kami sa dulo hanggang sa maging unahan na kami.
"Ilan pa 'yan?" Tanong nung staff na nasa loob ng cinema.
Binilang ng isang staff ang mga nakapila.
"Nineteen pa," Sabi nito.
"Iilan na lang 'yung mga upuan na bakante dun." Sabi ng staff na nasa loob.
"Lahat po ba ng nakapila sa above us so below ang papanoorin?" Tanong nung staff.
Um-oo naman kami dahil ayon naman ang papanoorin namin. Pumasok ulit sila sa loob at tinignan ang mga tickets nila.
Ilang minuto lang ay may mga lumabas kaya tinignan ang ticket namin kung saan ang seats namin. Nang makita ay pinapasok na kami at pumunta sa upuan namin. Buti na lang ay hindi pa nagsisimula at ang tagal namin sa labas.
Five minutes later ay nag start na ang movie na papanoorin namin. Sinara na ang ilaw kaya ang tanging ilaw na lang ay ang movie. Nakakapit lang kaming tatlo sa isa't isa. Ang dami kasing jump scare pero maganda naman.
Pagkatapos ng movie ay bumalik na kami sa room para doon na lang kami dahil wala namang laro ang STEM.
Pagkapasok namin ay pumunta ulit kami sa upuan kung saan kami kakaupo bago kami manood. Buti nga at walang nakaupo doon.
Nag kwentuhan lang kami hanggang sa mag uwian na. Ang bahay ni Reia ay dalawang barangay ang pagitan nung sa amin ni Bella. Kaya iba ang tricycle na sasakyan ni Reia.
Nag lakad lang kami papunta sa kaniya kaniyang bahay ni Bella. Nag chat na ako ng nakauwi na ako. At ganoon din silang dalawa.
Finally, sunday na bukas.

YOU ARE READING
Love at First Game
Romance[Love Duology #1] Katleya Maureese Formentera was watching their strand's men volleyball game, until someone caught her attention who's playing on the court. He is the volleyball team captain of the STEM strand, Ismael Keinoa Claveria. DISCLAIMER: T...