11

4 0 0
                                        


"Tara sa uniqlo!" Pag aya ni Bella.

Eto na naman, budol na naman from Bella.

Si Ismael ay nakasunod lang sa amin, hinahanap ata kung saan siya bibili.

Pagkapasok namin sa uniqlo ay dumiretso kami sa section namin, may mga magaganda akong nakitang tops na gusto ko.

Ang gaganda ng kulay! Parang mapapabili ako. Kumuha ako ng pink and red sleeveless square neck crop top. Naghanap pa ako ng trousers for it. Kapag kasi nag sho-shopping ako for my clothes dapat partner, partner sila.

I found a brown and black na trousers for it. Sabay na kaming tatlo pumunta ng fitting room. Magkakatabi 'din kami.

Sinukat ko na at pinakita sakanila ang red top and brown trousers, pinakita 'din nila ang mga outfit nila.

"Ang ganda! Bagay!" Saad ni Bella ng makita ang outfit ko.

"Kuhanin ko na ba?" Tanong ko.

"Oo! Bagay kaya!" Sambit ni Reia.

Pumasok na ako at sinukat naman ang pink top with black trousers.

Nagandahan 'din sila sa combination ng pink and black. Kaya 'tong dalawang outfit na nabuo ko ay bibilhin ko.

"What if mag terno tayo?" Patanong na sabi ni Bella.

"Nice idea!" Sambit ko naman.

Dali dali naman kaming nag hanap ng may tatlong kulay na top.

We found a ruffled crop top, may pink, dark blue, and purple. So we got those. For the bottoms naman ay magkakaiba, but same color 'din. I got a beige color skirt, partnered with dark blue ruffled crop top. Si Reia naman she got a beige cargo pants, partnered with pink ruffled crop top. Bella got a pleated beige pants, partnered with purple ruffled crop top.

Sinukat 'din namin kung bagay ba, and it did. Kaya pagkatapos ay pumunta kami sa cashier para bilhin na 'tong nagustuhan namin.

After checkout ay inintay lang namin si Renzo, nasa labas na 'daw siya.

Si Ismael naman ay nagbabayad pa.

Buti na lang at may paper bag na akong bitbit, doon ko nilagay ang flowers na binigay ni Ismael.

"Asaan si Mael?" Tanong kaagad ni Renzo ng makalapit.

"Ayun oh," Turo ko.

"Uy bro!" Saad ni Mael na papalapit na 'kay Renzo.

Naglakad na kami, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Masyado pang maaga para kumain.

"Saan tayo?" Tanong ko. They shrugged as an answer.

Inaya ko na lang sila pumunta ng watsons. Ubos na 'din kasi 'yong mga ginagamit ko sa mukha.

"Ay shucks! Wala na pala akong cash," Saad ko. "Teka withdraw muna ako saglit." Dagdag ko pa.

"Samahan na kita, mag wi-withdraw 'din ako." Narinig kong sabi ni Ismael kaya napatango na lang ako.

Naghanap lang ako ng sign na ATM pero wala akong makita.

"Alam mo ba kung saan?" Tanong ko sakaniya.

"Doon ata," Turo niya sa may gilid.

Pumunta na kami doon at tama nga siya. Nasa gilid nga, may nasa machine pa kaya pumila muna kami. Pagkatapos ay ako na, sa kabila naman si Ismael. Ako ang nauna at nilagay ko na ang pera sa wallet ko. Inantay ko pa siya saglit at natapos rin kaagad siya.

"By the way, sorry pala kanina, dare lang 'yun!" Saad ko sakaniya.

"It's okay, at least hindi na ako nahirapan ibigay sayo 'yung flowers." Sabi niya naman.

Love at First GameWhere stories live. Discover now