5

7 1 0
                                        


Kinabukasan ay medyo late na akong nagising. Hindi kasi tumunog ang alarm ko. Alas syete pa lang naman kaya naligo na ako. Gusto ko ulit sumabay kay Mommy.

Naligo na ako at sinuot ulit ang foundation shirt namin. Since the rest of the week namin 'to susuotin.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Nakita kk si Mamita na naka-upo sa living room. Nanonood.

"Good morning po," Sambit ko sakanila.

"Kumain ka na, hindi ka ba late?" Sambit ni Mamita.

"Hindi po, kahit anong oras po pwedeng pumasok." Saad ko. Tumango lang si Mamita at nanood ulit ng morning show na pinapanood niya.

Si Mommy naman ay nakabihis na rin at nakain.

"'My sasabay po ulit ako sainyo, pwede?" Saad ko 'kay Mommy.

For sure si Daddy ay on the way na sa work, after niyang ihatid ang mga kapatid ko. Kaya 'kay Mommy ako minsan nasakay.

"Sige sige," Sagot ni Mommy. Pagkatapos kong kumain ay nilagyan ko ng tubig ang aking tumblr at nag toothbrush na. Sa room pa kasi ako nag t-toothbrush. Pagkababa ko ay binigay na sa akin ang baon ko today. Hindi ko naman masayadong nagagastos ang baon ko dahil nag-iipon ako. Nilagay ko sa isang box ang perang natira ko kahapon.

Nag paalam na kami 'kay Mamita. Hindi naman siya mag isa sa bahay, dahil kapag umaga ay kasama ni Mamita ang kapatid ni Mommy, ang Tita ko.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Mommy.

Medyo traffic ng malapit na sa school. Alas otso na at siguro ito ang rush hour.

Five minutes later ay ibinaba na ako ni Mommy.

"Bye, 'My." Saad ko, at bumaba na sa sasakyan.

Pagkababa ko ay nakita ko si Gideon na nakatayo lang.

"Angas ng sasakyan mo ah!" Sambit niya.

Umiling na lang ako at nag lakad, sinundan niya naman ako, bakit naman 'to sumusunod sakin?

Chinat ko na kanina sina Reia kung saan sila nakaupo. Ganoon pa rin naman, sa likod ng canteen sila nakaupo.

Pagkapunta ko roon ay may extrang seat na, wala pa si Bella. Siguro ay kasabay si Renzo.

"May plano pala ako, i-papa marriage booth ko din si Bella at Renzo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Din? Edi ikaw din ang nag pa marriage booth sa amin?" Tanong ko.

"Hindi ah! Promisee hindi ako!" Sabi niya at tinaas pa ang kamay.

Katabi niya si Gael at sinabi na pabantay ng upuan. Kaya pinatnong na lang namin ang bag namin.

Pumunta na kami sa itaas, sa may carnival booth kasi ang handcuffs booth pero nasa baba ang room para doon. Hindi ko talaga alam kung anong pinagagagawa nitong babaeng to.

Pagkapunta namin ay nagsabi na kami para sa handcuffs booth. Pero sabi ni Reia na mamaya pang hapon. Nag bayad na siya at ibinigay ang names nina Renzo at Bella.

Bumaba ulit kami at nakita ko na andoon pa rin si Gideon. Nakaupo na kami dahil may laban ang girls volleyball.

"Dapat sumali ka eh!" Sambit ko kay Reia. Dihamak na magaling siya mag volleyball, ewan ko lang at hindi siya nag try outs.

"Try ko next year," Saad ni Reia.

For sure win 'yon, nakita ko na din kasi siyang mag volleyball at ang galing niya mag serve at mag receive.

Nakita kong papalapit na sina Renzo at Bella. Tama nga ang hula ko na mag kasama sila. Umalis naman si Gideon sa likod namin.

"Oh, san punta nun?" Sambit ni Gael. We shrugged as an answer.

Love at First GameWhere stories live. Discover now