13

3 0 0
                                    


Happy 1st of July!

sorry it took so long na makapag update 'tong story na 'to, so sorry huhu!

_________

Woke up around nine, I headed agad sa shower and then wore something that's nice. Hindi naman na 'daw required ang foundation shirt since awarding na lang. Mamayang hapon pa ang awarding kaya magkikita kita muna kami ng friends ko sa SM.

I wore a pink dress na may cropped jean jacket, at sneackers naman for my shoes.

Kinuha ko 'yong shoulder bag ko at nilagyan ng needs ko for this day. Bumaba na rin ako para kumain. Kakaalis lang nina Kirsten kaya may mga plato pa sa lamesa. Ako na ang nagtanggal para makakain na ako.

Kumain ako ng pancake na nasa lamesa at ng bacon, may tocino pa nga eh. After eating ay nilagyan ko ng water ang tumbler ko at sumabay kay Tita Karine, paalis na rin kasi siya kaya sumabay na ako. May iniwan si Mom na baon kaya kinuha ko muna at lumabas na kami. Tita's studying beside my school. Ayos nga dahil hindi na ako mag co-commute. Minsan ay gustong gusto ko mag commute minsan naman ay hindi. Ang gulo lang. Mabuti nga at 10 am ang pasok ni Tita kaya nakasabay ako.

Binaba lang ako ni Tita sa school ko dahil nasa labas na sina Bella. Agad kaming pumunta sa SM para tumambay muna. Pagkarating namin doon ay 9:45 pa lang, 10 am nagbubukas ang SM kaya nakatayo kami sa tapat ng pintuan.

"Early lunch na natin 'to." Saad ni Bella.

"Kakakain ko pa lang," I said.

Kaya nagpalipas muna kami ng oras sa arcade nang mag 12 na ay kumain na kami sa jollibee. We just ordered mix and match para tipid. Ismael went to us nung nag oorder pa lang kami kaya habang nag iintay ay kausap niya si Renzo habang katabi ko siya.

"Dapat pinapaikot 'to eh, para sila kumuha ng order." Renzo scoffed.

"Galing ng idea mo ah, kayo lang naman ni Ismael ang lalaki dito kaya kayo ang kukuha." Sabi ni Reia na nasa gilid namin ni Bella pero nasa gitna siya.

Tumawa lang sina Renzo at Ismael sa sinabi ni Reia kaya hindi na nila ginawa 'yung tinutukoy ni Renzo. Nung tumunog na ay tumayo na 'yung boys para kunin.

Naiwan kaming girls at bumalik naman kaagad ang boys. Inalis na sa tray ang mga pagkain para hindi na masikip.

Nag pray muna ako at nakita ko sakanila na napahinto habang kumakain dahil sa ginawa ko. After praying ay kumain na ako. Sino kaya ang mananalo mamaya? Well alam naman namin na nanalo sila Ismael sa men's volleyball kaya may sure win na. Wala kasi akong balita sa iba't ibang sports. Since isa lang naman ang sumali sa section namin at si Renzo na 'yon.

Nang mag hapon na at tinatanong na ni pres, kung saan na 'yong iba ay naglakad na kami papaunta sa school. Walking distance lang naman kaya nilakad na namin. Dumiretso na kaagad kami sa gym or covered court dahil andoon na 'daw sila. Umupo lang kami sa lapag at hiwa hiwalay kami, pero nasa tabi ko pa rin si Ismael. Hindi na ata ako lulubayan nito.

The ceremony started. Sinigaw namin ang yells namin at after ay ang mga nanalo naman ang tatawagin. Nag start sa basketball at nanalo pala ang ABM, pati best player ay sa ABM nanggaling. Sa men's volleyball naman ay of course nanalo ang STEM. Nang bumaba na sila ay tinawag naman ang mga best player for men's volleyball.

"Ismael Keinoa Claveria best player, best spiker, and most valuable player for men's volleyball!" The emcee said. Tumili tili ang iba lalo na ang mga STEM girls, pati na rin ang mga kaklase niya. Aba ang galing naman nito. May medal na sinabit sakaniya at nag picture na sila. Pagkatapos ay bumaba na si Ismael at umupo sa tabi ko. May mga nag titinginan kaya tumingin na lang ako diretso sa stage.

Love at First GameWhere stories live. Discover now