Nagising ako ng alas dos dahil nakatulog ako ng maaga. Bumaba ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Binuksan ko ang mga ilaw at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang tinakpan nila sa lamesa at ulam iyon. Mabuti na lang at tinirhan ako.Bet ko din mag fries kaya kumuha ako ng fries at nilagay sa air fryer, at nag intay lang na maluto.
Kumuha ako ng kanin at ulam at kumain na. May narinig akong pababa kaya lumipat ako ng pwesto na nakatalikod. Sakto pang naka white ako.
"Aaaaa!" Sigaw ng kapatid ko. Tumawa lang ako at sinabing wag maingay at baka magising sina Daddy, mas lalo na si Mamita, ang lola namin. "Ate naman!" Dagdag ng kapatid ko.
"Oh, bakit ka gising?" Tanong ko sakaniya.
ko"Nauhaw ako eh," Sagot niya.
"Aba hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sakaniya.
"Hindi, hindi ako makatulog eh." Sagot ulit niya.
"Lagot ka na naman kay Daddy!" Singhal ko.
Narinig kong tumunog ang air fryer kaya kumuha ako ng plato at nilagay ito doon. Kumuha na din ako ng asin para may flavor naman kahit papano.
"Fries 'yan teh? Pahingi!" Sabi ng kapatid ko. I have two siblings lahat kami babae, sunod sunod kami ng age kaya close kami sa isa't isa.
Kumain lang kami at syempre kaunti lang ang binigay ko sakaniya. Nilagay ko sa lababo ang plato, at umakyat na ako sa room ko at doon tinapos ang pagkain ng fries.
Madami dami pa ang fries, kaya sa may desk ako umupo, at binuksan ko ang laptop ko para manood. Naka bukas ang LED lights ko at sa kulay blue ito ngayon.
Nanood lang ako sa YouTube habang nakain. Hanggang sa naubos na ang fries kaya sinara ko na ang laptop at pumunta sa restroom para mag toothbrush.
After ay pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at natulog ulit. Nag alarm ako ng alas otso dahil kahit anong oras naman ay pwedeng pumunta sa school, wag lang malalaman ni ma'am na sobrang late ka pumasok.
Kinabukasan ay ilang beses ng ring ng ring ang alarm ko pero hindi pa rin ako dumidilat.
"Leya 'yang alarm mo!" Rinig kong sabi ni Mommy sa may pinto.
Dumilat na ako at pinatay ang alarm. Nakita kong mag eight twenty na. Kaya dali dali kong kinuha ang susuotin ko at ang twalya sa cabinet ko.
Everyday kasi iba iba ang twalya namin. Ayun ang sabi ni Daddy sa amin. At ilalagay sa laundry chute na automatic na mapupunta sa laundry room. Ang laundry chute na sinasabi ay nasa tapat ng stairs.
Naligo na ako, at pagkalabas ko ay eight thirty na. Nakabihis na ako, at mag sasapatos na lang. Kinuha ko ang bag ko, at chineck kung nasa loob na ba ang lahat ng kailangan ko.
Bumaba na ako para kumain na. Wala na ang mga kapatid ko dahil seven thirty ang pasok nila sa school.
"Aba'y buti bihis ka na, kumain na rito." Saad ni Mamita.
Pumunta na ako sa dining at may plato ng nakahanda. Kumuha ako ng kanin at ulam at kumain na.
"'My! Sabay nako sayo, pwede? Papunta ka po sa resto?" Tanong ko kay Mommy.
"Sige sige at maliligo lang ako saglit," Mabuti na lang at pumayag si Mommy.
My Mom has a restaurant, dream niya talaga 'yun. Kaya tinupad ni Daddy, pero nung nabuntis si Mommy ay hindi punayag si Daddy na mag trabaho muna siya. Kaya ilang years din siyang hindi nag trabaho. Kaya si Tita Karylle muna ang pumalit sa pwesto niya pansamantala, siya ang best friend ni Mommy. Kaya nung lumaki laki na kami ay dinadala kami ni Mommy sa resto niya. Hanggang sa dumami na ang branch ni Mommy, pero ang office niya ay nasa first branch.
YOU ARE READING
Love at First Game
Romance[Love Duology #1] Katleya Maureese Formentera was watching their strand's men volleyball game, until someone caught her attention who's playing on the court. He is the volleyball team captain of the STEM strand, Ismael Keinoa Claveria. DISCLAIMER: T...