Today is thursday, bukas na ang awarding. Sana naman next week ay wala munang pasok. I wore our foundation shirt and a long black skirt ko.Napag usapan kasi namin na mag skirt kami ngayon at bukas. We agreed so eto na ang suot namin.
Naligo muna ako bago bumaba para kumain. It was my usual morning routine. Nakalagay na sa isang box ang baon ko. Lumabas na ako para mag start na maglakad.
Ang yell competition ay may representative lahat ng strands. Para ipakita ang ginawang yell at may mga dance moves pa. Baka hindi rin ako makaabot at late na ako.
Nakasakay na ako at nasaktuhan pang na-traffic ako, hindi pa nga nakakalayo na traffic kaagad ako.
Sereia:
Saan ka na @Katleya ?
Ikaw din saan ka na @Sabella
Sabella:
Malapit na sa 7/11
Katleya:
Na traffic ako, di pako nakakalayo
Sabella:
Intayin ba kita?
Katleya:
Mauna ka na, malayo pako eh
Sabella:
Okayyy
Ingat ka
Katleya:
Ingat ka 'din!
Babye
Mabuti na lang at gumalaw na. Dire-diretso na ang byahe hanggang sa na traffic na naman ako malapit sa 7/11.
Nang gumalaw ulit ay pumarada lang si kuya driver at binaba na kami. Dumiretso na ako papunta ulit sa isang sakayan sa tapat ng 7/11. Sinabi ko kung saan ako papunta at sumakay na. Nagbayad na 'din ako.
Umandar na ang tricycle at ilang minuto lang ay bumaba na ako sa tapat ng school namin. Pagkababa ko ay pumunta na ako sa room. Andoon na 'daw sila eh.
Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad sila na nag uusap.
"Wow, kabog, skirt ang peg," Saad ni Kim.
Nilagay ko ang sling bag ko sa upuan. Sling bag na lang ang dinala ko para magaan na lang. Wala rin kasing mga notebooks na dadalhin.
"Mamaya picture tayo ah!" Saad ni Bella.
Tumango naman kami at nag usap usap. Ang yell competition ay mamaya pang nine. Eight thirty pa lang kaya may twenty minutes pa.
May nag notif sa phone ko, binuksan ko ito at may sinend si Kim na lyrics ng yell para ito ang i-ye-yell ng mga STEM.
Pinababa na nga kami para may maupuan kami sa bleachers. Mabuti nga at hindi pa puno kaya may naupuan kami. Dinala ko 'yong tumblr ko at baka uhawin ako.
Kaming tatlo ay may hawak na mini fan, kahit may nakatutok kasi saming malaking electric fan ay mainit pa rin.
We started with the prayer, then national anthem, panatang makabayan, panunumpa sa watawat. And then, vision and mission of the school, lastly our hymn.
"Okay let's start our yell competition! Andito na ba ang mga ABM?!" Tawag sa mga ABM students ng emcee namin.
Nagulat kami sa sigaw ng mga ABM students.
"Grabe ah, may laman 'yong tili nila." Sambit ni Reia.
"Ang HUMSS kaya andito na?!" Sigaw mg emcee.
Nagtilian naman ang HUMSS ng sabihin ito ng emcee.
![](https://img.wattpad.com/cover/362876713-288-k761919.jpg)
YOU ARE READING
Love at First Game
Storie d'amore[Love Duology #1] Katleya Maureese Formentera was watching their strand's men volleyball game, until someone caught her attention who's playing on the court. He is the volleyball team captain of the STEM strand, Ismael Keinoa Claveria. DISCLAIMER: T...