6

8 1 0
                                        


Pagka akyat namin ay hingal na hingal kami, from first floor ba naman to fourth floor.

Umupo kami sa empty seat. Nakapalibot ang upuan every corner of the room at may space sa gitna.

Nag pahinga muna kami, grabe ba naman ang cheer namin para sa STEM.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Renzo na papunta sa direksyon namin, at hindi ko inaasahang nasa likod niya si Claveria.

"Uy, congrats!" Saad ko.

"Congrats sainyo!" Sambit ni Reia.

Umupo si Renzo sa tabi ni Bella at si Claveria naman ay sa tabi ni Renzo.

"Anong oras kayo uuwi?" Tanong ni Reia.

"Mga three o'clock." Saad ni Bella.

"Pupunta ako sa resto, dun muna ako tatambay." Sambit ko, gusto ko din kasi mag libot libot kahit sa SM din.

"Sama!" Singhal ni Bella.

"Mag gagala gala lang ako sa resto at SM," Sabi ko sakanila.

"Kahit na! Boring din kasi sa bahay eh," Sambit pa ni Bella.

"Ikaw Re?" Tanong ko.

"Uuwi na kaagad ako, may aasikasuhin pa ako sa bahay," Ani nito.

Tumango naman ako at pinagkaabalahan ang aking telepono. Alam ko namang sasama si Renzo dahil kasama si Bella eh, hindi ko lang alam kung kasama si Claveria.

Napag desisyunan namin na kumain na. Kaya bumaba kami para bumili sa canteen.

Walang masyadong tao pero wala ng mga ulam na gusto namin.

"Mcdo na lang?" Sabi ni Bella.

"Gagi ka tignan ko nga muna pera ko," Saad ko.

Tinignan ko ang wallet ko at may pera pa naman, yung binigay ni Mommy sakin.

"Kayo?" Tanong ni Bella sakanila.

"G lang," Saad ni Renzo.

Wala ng nagawa si Reia kaya lumabas na kami sa school at nag lakad papunta sa SM. Since february naman ngayon, at may mcdo app ako, ay 99 lang ang chicken na may fries at drink na.

"May mcdo app ba kayo?" Tanong ko sakanila habang naglalakad.

"Gago binura ko kasi full storage!" Sambit ni Bella.

"Meron ako!" Sagot ni Reia.

Pagkarating namin sa SM ay kinnonect ko na ang cellphone ko sa wifi nila dito, wala kasi akong data.

"Sinong may data?" Tanong ni Reia.

"Ako," Sambit ni Claveria.

"Ko-connect sana," Sambit ni Reia.

"Sa wifi ng SM ka na kumonect." Sabi ko kay Reia.

Binuksan niya ang settings ng phone niya at hinanap ang SM wifi, at kumonect na.

Pumasok na kami sa loob ng mcdo at binuksan ang app, may pila kaya pumila muna kami. Hindi ako makapag decide kung chicken ba or fillet. Parehas namang chicken eh.

Chicken na ang napili ko at si Bella naman ay saking app na ang gagamitin dahil fillet ang kanya.

Ako muna ang nag bayad habang si Renzo at Bella ay nag hahanap ng mauupuan. Si Reia at Claveria ay nasa likod ko, nakapila.

Nang ako na ang mag oorder ay sinabi ko sa cashier na mcdo app at ini-scan ang qr-code ng dalawang meal. At after ay nag bayad na ako. Hinintay ko na lang si Reia na makapag bayad. At pumunta na sa kung saan umupo sina Bella at Renzo. Sumunod naman kaagad si Claveria pagkatapos.

Love at First GameWhere stories live. Discover now