"Tapos? Ano'ng sinagot mo?!" excited na pag-uusisa ni Steph habang pinapanood akong nagtitimpla ng food coloring sa buttercream icing.
"Wala!" mariing sagot ko. Pagkatapos ay muli akong nagpanggap na ayaw magpaistorbo sa pinagkakaabalahan.
Masyadong mapula ang una kong nagawa kaya napabuntong-hininga na lang ako habang itinatabi ang maling batch ng icing sa lamesa.
Masaya dapat ako ngayon at hindi balisa. Masaya dapat ako ngayon at tahimik ang isip, kalmado ang puso. Tuwing nandito ako sa Café Amor dapat iyon ang nararamdaman ko. Ang maliit na café na ito na ipinangalan ko kay Mommy ang tanging dahilan ng paggising ko sa umaga. This is her legacy. This is her heart. When I am here, I am at peace... at hindi ganitong panay palpak ang ginagawa.
Hindi ako puwedeng pumalpak lalo pa't dito lang ako magaling—sa paggawa ng cakes and pastries, pagtitimpla ng kape, at pagpapanggap na wala akong pakialam sa aking ama. At least, that's what Dad told me before he disowned me. Sumimangot ako nang sumagi na naman sa isip ko ang huling araw na nagkita kami ni Daddy.
"Ano'ng wala?!" Nagulat ako sa pasigaw na tanong ni Steph na may kasama pang pagtaas ng kilay.
Siya ang lead barista ng Café Amor. Maiksi ang kaniyang buhok—palaging hanggang balikat lang simula pa noong high school kami. Singkit ang kaniyang mga mata at mas maputi siya kaysa sa akin. Mas maingay din. She's vulgar most of the time. Walang filter magsalita kahit pa masaktan ka sa sasabihin niya. Siguro sa aming dalawa, ako 'yong mas feminine, si Steph naman 'yong may pagka-boyish. Pero sa aming dalawa, siya rin 'yong may mga naging exes na. When it comes to love advice or any relationship at all, she is my confidant, my best friend, and the sister I never had.
"Wala... parang hindi ko na lang narinig 'yong tanong niya," nahihiyang sagot ko kay Steph.
"Selective listening ampuch—"
Hindi niya itinuloy ang pagmumura.
She knows how much I hate cursing. I rolled my eyes at her, pero hindi ko rin napigilang mapabungisngis sa reaksyon niya. Saglit na nawala ang mga gumugulong'what-ifs' sa isip ko. What if sumagot ako nang gabing 'yon? What if hindi ako naduwag?
"Ang awkward kasi, Steph. Obvious naman na joke lang 'yong tanong niya. Bakit ko pa papatulan?" kunot-noong paliwanag ko habang dahan-dahang pinapatakan ng food coloring ang bagong batch ng icing.
"E, paano kung hindi pala joke?"
Napalunok ako sa tanong ni Steph. Muli na namang gumulo ang isip ko.
"Nakangiti siya, parang nang-aasar, e! So, joke 'yon!" defensive kong sagot.
"Hay naku, Aliyah Tanya. Ilang buwan ka na bang hulog na hulog diyan kay Andrew? Hmm... six?"
"Seven!" Nagulat ako sa sarili kong tinig. Nabitawan ko ang spatula ko na muntik nang sumawsaw ang hawakan sa icing. Mabuti na lang at nahabol ko.
"So, hulog ka na nga?" pang-aasar ni Steph. Tumawa siya nang malakas na halos umabot na yata sa labas ng kitchen.
"A-Ano ba, Steph! 'Wag ka ngang maingay!" iritado kong saway sa kaniya.
"Akala ko ba tutulungan mo ako? Hindi ko na talaga alam. I'm so lost and confused." I pursed my lips before I heaved out a deep sigh.
"Hindi ko na alam kung may feelings ba talaga siya or ako lang 'tong parang malapit nang mabaliw sa kaniya!"
Muling humalakhak si Steph. This time ay may kasama pang pagpalo sa stainless na lamesa. Mangilid-ngilid pa ang mga luha. Parang bigla tuloy akong nahiya. Halos isang dekada na kaming magkaibigan ni Steph, pero ngayon lang ako naging ganito ka-open sa kaniya tungkol sa sitwasyon namin ni Andrew. Kung kay Steph pa lang ay hiyang-hiya na ako, paano pa kaya kung malaman na ni Andrew?
BINABASA MO ANG
Paper Promises
RomanceCOMPLETED [Café Amor Series #1] One night. The world of hotelier heiress Aliyah turned upside down, driving her straight into the arms of her father's architect, Andrew. What began as a quest for solace spiraled into a paper-bound marriage. Two yea...