Chapter 12 - Amor

1.3K 41 53
                                    

Warning: This chapter contains sexual scenes. These scenes are intended for plot progression and to enhance character development.

I couldn't stop myself from staring at my handsome husband. He is wearing a black muscle tee paired with gray sweatpants. Nakatali pa ang mahaba niyang buhok. His abs were peeking every time na nililipad ng hangin ang gilid ng muscle tee niya. Ang aga-aga pa para magpatukso at magpaakit ako sa kaniya pero hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko. Kanina nga sa elevator ay mariin akong kumapit sa braso niya kahit na hindi naman kailangan. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses ako napalunok dahil sa sweatpants niya.

There's something about him in those pants that makes my stomach flutter. He looks so hot... kung hindi lang dahil sa bag ko na nakasukbit sa balikat niya. It's my favorite canary yellow bag gifted by Mommy. He's not even supposed to wear that over his shoulder, over those toned muscles. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko kung paano niya pinilit na isinabit 'yon sa braso niya.

"Andrew, give me my bag, please. Hindi ako sanay na wala akong bitbit!" Pang-ilang ulit ko nang pangungulit sa kaniya simula pa kanina, bago kami bumaba. Kitang-kita ko ang pigil na tawa nila Claire at Mang Ed sa lobby habang papalabas kami ni Andrew. May iilan ding napapatingin kay Andrew bago sumakay ng elevator at saka magbubulungan. He looked so stupid and funny because of my bag.

"Andrew... akin na. Please, baby." Pinilit kong dagdagan ng lambing ang boses ko at baka sakaling umepekto sa kaniya 'yon.

"Baby, you need to reserve your energy for work," he said with his warm voice.

"Ang OA naman ng asawa ko, ang gaan-gaan lang niyan, e! Akin na!" kunwaring naiirita kong balik sa kaniya.

"Kiss me first," utos niya kasabay ng nakakatunaw niyang ngiti.

"Wh-what?! We're outside!" 

He chuckled. Hindi siya sumagot at marahan niya na lang na inabot sa akin ang bag ko. Ngumiti lang ako sa kaniya. Pilit kong pinipigilan ang pamumula at pag-init ng pisngi ko.

Tahimik kaming naglakad papunta sa SUV niya pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. As always, he opened the door for me. Mabilis kong ipinuwesto ang sarili ko sa passenger seat, kalong-kalong ang bag ko. 

Hinila ko ang seatbelt para isuot pero hindi pa man lumalagitik ang lock no'n ay muling uminit ang pisngi ko. I felt Andrew's hand touching my chin. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin ko sa kaniya. Namumungay ang mga kayumanggi niyang mata at iba na ang ngiti sa labi niya.

"Now, we're not outside anymore," he said with a flirty grin on his face.

Bago ko pa magawang magprotesta ay mabilis niyang nailapat ang mga labi niya sa labi ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para kumapit sa batok niya. Hanggang sa mapunta ang isang kamay ko sa buhok niya. While the other one is gripping his biceps. His kiss is burning something inside me at alam kong ayokong tuluyang magpapaso rito. Not now. Not in his car. Not in broad daylight in his car. His hands on my back were making their way to unclasp my bra, but I stopped him.

"No, Andrew... 'wag dito," I whispered while breathing heavily.

"Don't worry... it's tinted," he said with his bedroom voice.

"Kahit pa, you don't think hindi aalog 'tong sasakyan mo?!" My eyes widened.

"What baby?" natatawa niyang tanong. He cleared his throat before teasing me again.

"I can be gentle, Aliyah." Napalunok ako sa sinabi niya. I can see how his eyes were begging for it.

"Male-late na ako sa trabaho ko... may dadaanan pa tayo," malambing kong kontra sa kaniya.

Paper PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon